New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 27
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    HINDI na kinakailangang magpaputok muna ng warning shot ang isang pulis dahil may karapatan itong agarang barilin ang isang suspect sa krimen kung kinakailangan itong gawin para lang maisalba ang ibang tao sa kapahamakan.

    Ito ang nilalaman ng ibinabang desisyon ka-makailan ng Korte Su-prema matapos nitong ba-liktarin ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na sibakin sa serbisyo ang isang pulis sa Nueva Ecija na nakabaril ng isang tu-matakas na magnanakaw.

    Sa kautusan ng SC First Division na pinamumu-nuan ni Chief Justice Hilario Davide, inatasan rin nito ang Sandigan-bayan na pawalan sa kulungan si SPO2 Ruperto Cabanlig na dating naka-talaga sa pulisya ng bayan ng Peñaranda dahil sa absuwelto na ito sa pa-mamaril na ikinamatay ng robbery suspect na si Jimmy Valisno na nang-agaw ng baril ng kaniyang mga bantay noong Set-yembre 18, 1992.

    "The duty to issue a warning is not absolutely mandated at all times and at all cost, to the detriment of the life of law enfor-cers," anang SC.

    Ayon sa Kataastaasang Hukuman, sa pagkaka-taong nakaumang ang banta sa buhay ng isang alagad ng batas at wala nang ibang paraan para magapi ang isang suspect, maaaring palampasin ang kabiguan nitong magpaputok ng warning shot.

    Sa record ng kaso, lulan ng isang sasakyan ang arestadong suspect na si Valisno upang samahan ang mga pulis sa pagbawi ng kaniyang mga ninakaw nang madisarmahan nito ang kaniyang escort ng dalang ripleng M-16. Dahil dito, agad na binunot ni SPO1 Cabanlig ang kani-yang baril at pinutukan ang suspect.

    Kinampihan naman ng SC ang ginawang hakbang ng pulis. Ayon sa SC, tama ang ginawa nitong barilin agad ang suspect dahil sa maaaring ubusin ng sus-pect ang lahat ng pulis dahil sa uri ng baril na naagaw nito.

    "For what is the purpose of a warning? A warning is issued when policemen have to identify themselves as such and to give opportunity to an offender to surrender. A warning in this case was dispensable. Valino knew that he was in the custody of policemen," anang SC.

    Bagama't absuwelto na si SPO1 Cabanlig sa kasong homicide, hindi pa rin ito lusot kasama ang iba pang pulis sa kasong gross negligence dahil sa hindi nila pinosasan ang suspect kung kaya't nakapang-agaw ito ng baril. Hindi binili ng SC ang dahilan ng mga pulis na wala silang posas kung kaya't hindi nila pinosasan ang suspect.

    Ayon sa SC, kung wala silang posas, dapat sana'y iginapos nila ang suspect upang hindi ito nakapalag.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    277
    #2
    hostage situation doesnt merit a warning shot.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #3
    kahit sa gun safety seminar, definitely sinasabi no more need for warning shot. 2 reasons:
    1. pag nag-warning shot ka baka may ibang tamaan.
    2. pwede ka pa kasuhan ng illegal discharge of weapon.

    if you are going to fire your gun make sure you are shooting a criminal. better the criminal dead than you or someone else dead.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    im in favor on this ...


    but just to be sure...

    na sharp shooter mga policeman natin

    at mabilis humabol sa mga masasamang loob

    para wala madamay na mga inosente na mamamayan

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #5
    diba ganon ginagawa ng ibang pulis .. Putok muna sa tao. una tapos warning shot kasunod hehehehe

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #6
    Quote Originally Posted by BoEinG_747
    at mabilis humabol sa mga masasamang loob
    .. kaya gusto nalang nila barilin .. para di na sila kelangan humabol .. laki kasi ng tiyan ..

  7. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    1,231
    #7
    The first shot yata is always a warning shot... Kaso nakatutok na sa target yung baril...

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #8
    dutch national buong pagmamalaki na sinabi sa akin: in netherdalands, you are not even allowed to shoot a robber inside your house.

    ako nakangisi: you, mean... you will beg to the robber just to go away?

    dutch national: that's the right thing to do!

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #9
    Quote Originally Posted by yebo
    kahit sa gun safety seminar, definitely sinasabi no more need for warning shot. 2 reasons:
    1. pag nag-warning shot ka baka may ibang tamaan.
    2. pwede ka pa kasuhan ng illegal discharge of weapon.
    Exactly. 'Yan din ang tinuro sa ROTC; there's no such thing as a warning shot. Kalokohan lang 'yan, baka nga sa iyo pa bumalik yung bala mo.

    Dahil may tatamaan pa rin naman kahit saan mo pa iputok, better make it count and strike the perpetrator directly than risk hitting innocent people.

  10. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #10
    Ang alam ko, you give warning shot if the suspect is running away. Pero kung harapan, wala ng warning shot. As mentioned in the previous posts, the danger in warning shot is that the bullet will eventually come down and may hit somebody.

Page 1 of 3 123 LastLast
Pulis 'di kailangang mag-warning shot --Supreme Court