Dapat i-mention na natin ang mga kumpanya na mga barat magpasweldo, para alam nila kung saan sila lulugar tulad ng mga kapwa natin tsikot member at di lang yun, tulad ko narin.
Im working almost 3 years sa kumpanya na ito (INFOLINK Corp.)"makati"(agency) assigned dito sa PLDT as technical support, halos lahat na ng nagtatrabaho dito contractual lang.biruin po niyo wala kami 13 month pay, wala kami X-mas Bunos, etc...Isipin po natin mga ka-tsikot nagtatrabaho ka sa malaking kumpanya tapos ganun lang sweldo. nagstart ako sa sweldo na P7,500 then ngayun 10k++ lang.

Tama Ba Yun? di ko ikinakahiya na i-post ito kasi ito ang totoo. kung mababasa man ito ng may-ari ng agency at yung kumpanyang PLDT..may kalalagyan kayo!

marami pa sa atin mga kababayan diyan na nagtitiis sa trabaho at sa kakarampot na sweldo kasi sa hirap na ng buhay dito sa 'pinas, at dahil narin sa gobyerno natin sa talamak na pangungurakot.
buti nalang may part time pa..sa ngayun apply na ako sa abroad wala mangyayari sa akin dito.
