Majoring na kami ng tropa sa Mapu'a. The night before fieldtrip, inumang umaatikabo at walang tulugan. Pagsakay ng bus sa umaga, umiikot na ang gin na nakastraw. Pagdating sa destinasyon, kanya kanyang diskarte sa pagsuka. Naranasan namin na hindi mapapasok sa purefoods dati dahil sa amoy.
Kami ang tropa na 3rd shift ang klase. Laging nasa C ang schedule. Alas 9 ng gabi ang uwian palagi. Bago ang uwi, billiard muna sa better at gilbeys with lime juice + pancit canton ang dinner. Pagsakay ng jeep ng madaling araw, kanya kanyang diskarte sa pagsuka sa labas
Sa inuman ko napatunayan na kanya kanyang brand yan. Nasubukan ko makipagsabayan ng inom sa 3 driver. Gin ang tinira namin. 4 na kwatro kantos at 2 bilog ang naubos namin sa umiikot na tagay. Ako unang sumuko. Sila nagmumog pa ng dalawang bilog at red horse. Nung sumunod na inuman, ako pumili ng iinumin. Isang bote ng tequila. Ang bibilis uminom ng mga mokong. Masarap daw. Pagtayo nila para umihi hindi na nakabalik. Naki paglips to lips na sa inidoro he he.