College, 2nd to the last term namin...

Nasa induction kami at isa ako sa mga inductee ng org namin, kasama si otot85...

Nakapiring na kami at part ng induction ang pag-papainom. Huling pinatagay sa akin, isang punong styro cup ng brandy. Pinaubos sa akin at ininterview. Tanong sa akin, crush ko ba daw si ganito, sabi ko daw crush ko. Matapos ang interview, pinatalikod kami sa pader at sabay umakyat. Sabi ko nalang, umiikot ang paligid ko at ayun, bagsak na ko.

Wala akong alam, tinanggalan ako ng suot kong long sleeve at sapatos pati sinturon. Kung saan saan daw ako dinadala ng mga kasama ko kasi sagabal daw ako sa daanan. Nasa 2nd floor na daw ako sa may kutson eh pinaalis daw ako at nakaharang. Tinatanong daw ako nung mga kaibigan namin kung nakikilala ko sila, sagot ko lang daw eh oo. Dumating yun sinasabing crush ko at oo lang nasagot ko, hahaha! Natapos ang induction ng tulog ako at ang oath taking ko as member eh nakahiga daw ako sa upuan sa gilid ng pool.

After party na ng induction at nagising ako. Nagkainuman at nagtalunan sa pool dahil sa hype ng kantang "Salamat", iginigilid ako ng kasama ko para hindi mapunta sa malalim pero lumangoy pa ko palayo papunta sa kabilang gilid.

Ayoko na maulit ito, hahaha...