glenn: taga-ateneo rin ako, wag ka sumama dun... tsk tsk... yun mga first members lang ang nakikinabang sa networking...
zanch: nagbebenta ako ng cars and supplements... dba mahilig ka sa cars? ayun! kumikita ka na nakikita mo pa mga magagandang cars... mahina ang P10,000 pag more than 1M tapos laway lang ang puhunan mo... may cars na pwede kita bigyan kahit 50thou, mag refer ka lang at wag lang yun tumawad... if nag-gym ka madali magbenta ng supplements...
text mo ako kung interested ka magbenta...
talagang mahirap ang buhay ngayon... marami pa akong ways para tulungan ka kung ayaw mo magbenta... pwede ka mag-refer ng projects sa construction, 3% ng income ang finder's fee... example 100M yun project, tapos 15M income bale 450,000 yun! wala ka naman gagawin...
sir van_wilder d po networking yung sinasabi niyo, yan po yung mga pyramid scam na ang mga nauuna or pioneer lang ang nakikinabang... ito po yung mga companies na more or less ang pinagkakakitaan lang ng tao ay yung pag rerecruit..
there are many good MLM companies, like herbalife, forever living, nuskin, uhhmmm yung mga products nila talaga ang main focus. hindi tulad ng iba na parang sideline ang labas ng products, ang main focus is yung pagrecruit..
that's the difference po ng pyramid scam and un good networking or MLM
Originally posted by GlennSter zanch..i have friends in ateneo na nasa NUSKIN networking...mukhang ok naman sa kanila..but not really my line kaya di ako pumayag..
sir,
nakapunta na ako sa isang seminar nila kasi sinasali ako nung isa kong kaibigan. ang galing ng convincing power nila. kikita ka talaga ng pera.
pero syempre mas magaling ang convincing power ng budget ko. :D
pissword: hindi naman yan talaga scam eh... kaso masmagnda kung nasa unahan ka... well medyo matagal na yan NUSKIN eh, pero effective daw yun mga products niya... talagang marming magndang and malaking kita ng MLM na hindi scam... maghahanap ka lang diyan pagaralan mo pero wag masyado matagal baka maunahan ka na... may kilala ako 3.6m kita niya monthly pero bumaba sa 700thou-1.5m pero laki pa rin!
hmmm, ung April or May issue ng Entrepreneur mag,
merong feature on 69(hihihi) sidelines...although marami dun i feel are a bit infeasible(tama ba grammar ko?)
just a word of warning on NuSkin...pagkakaalam ko, you are *required* to buy a certain amount of products(50k ata) every month to maintain your "membership"....ikaw nang bahalang mag dispose nung stock na un. So kung medyo mahina PR mo, tagilid ka
medyo OT po, pero re franchises, i notice that a *lot* of companies offering franchises usually don't take care of their customers once you've signed on the dotted line...you'd be surprised, kahit ung mga big established names, ganun ang ginagawa. they don't give a crap if you make money or not, basta't makuha lang nila ung dues nila.
so kilatisin nyo po ng mabuti before jumping in; don't expect them to make money for you -- they're too busy making their own ;).
kung ako nasa pinas ang susubukan kong sideline ay magbenta sa ebay...
maraming taga pinas nagbebenta ng nike shoes sa ebay from pinas. marami namang mga taga palawan nagbebenta ng mga shells and ornaments direct from pinas.
tubong lugaw kasi mura lang sa atin. mahirap lang ay shipping normally $25-$50 through fedex. actually not bad kung magbabayad naman ay from abroad.
speaking of sideline iyan ang hobby ko ngayon magbenta sa ebay. and I'd say in the first 2 months nagaaverage ako between $150-$200 in sales. ang binebenta ko???? mga items na nabibili ko sa garage sales tuwing weekend.
malakas sa ebay ay iyong branded na mga subwoofer like kicker, jbl, jl etc. and iyong mga video game systems(nintendo, sony, etc).
kung creative ka lang pede talaga sa ebay...lalo pa sa pinas daming murang items.
ako sideline ko dito sa office, pre-paid callcards, sideline rin ito ni misis sa office rin nya. pati mga kamag-anak namin sa amin na rin kumukuha.
P285 kapag cash, P300 kapag sa sweldo pa ang bayad. you can get the pre-paid cards nga pala sa planetcell store, G/F virramall, greenhills. no membership required, minimum of 10 cards to avail of the wholesale price.
my office filing cabinet naman is filled with cup noodles, skyflakes, 3-in-1 coffee, milo, flattops & assorted chips which are affordable to the OJTs, guards, janitors & your officemates as well. i also sell ice cold softdrinks too. malaki ang kita sa zesto dalandan&calamansi!
malakas rin kita dito, its tax-free and no business permit.