HINDI na kinakailangang magpaputok muna ng warning shot ang isang pulis dahil may karapatan itong agarang barilin ang isang suspect sa krimen kung kinakailangan itong gawin para lang maisalba ang ibang tao sa kapahamakan.

Ito ang nilalaman ng ibinabang desisyon ka-makailan ng Korte Su-prema matapos nitong ba-liktarin ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na sibakin sa serbisyo ang isang pulis sa Nueva Ecija na nakabaril ng isang tu-matakas na magnanakaw.

Sa kautusan ng SC First Division na pinamumu-nuan ni Chief Justice Hilario Davide, inatasan rin nito ang Sandigan-bayan na pawalan sa kulungan si SPO2 Ruperto Cabanlig na dating naka-talaga sa pulisya ng bayan ng Peņaranda dahil sa absuwelto na ito sa pa-mamaril na ikinamatay ng robbery suspect na si Jimmy Valisno na nang-agaw ng baril ng kaniyang mga bantay noong Set-yembre 18, 1992.

"The duty to issue a warning is not absolutely mandated at all times and at all cost, to the detriment of the life of law enfor-cers," anang SC.

Ayon sa Kataastaasang Hukuman, sa pagkaka-taong nakaumang ang banta sa buhay ng isang alagad ng batas at wala nang ibang paraan para magapi ang isang suspect, maaaring palampasin ang kabiguan nitong magpaputok ng warning shot.

Sa record ng kaso, lulan ng isang sasakyan ang arestadong suspect na si Valisno upang samahan ang mga pulis sa pagbawi ng kaniyang mga ninakaw nang madisarmahan nito ang kaniyang escort ng dalang ripleng M-16. Dahil dito, agad na binunot ni SPO1 Cabanlig ang kani-yang baril at pinutukan ang suspect.

Kinampihan naman ng SC ang ginawang hakbang ng pulis. Ayon sa SC, tama ang ginawa nitong barilin agad ang suspect dahil sa maaaring ubusin ng sus-pect ang lahat ng pulis dahil sa uri ng baril na naagaw nito.

"For what is the purpose of a warning? A warning is issued when policemen have to identify themselves as such and to give opportunity to an offender to surrender. A warning in this case was dispensable. Valino knew that he was in the custody of policemen," anang SC.

Bagama't absuwelto na si SPO1 Cabanlig sa kasong homicide, hindi pa rin ito lusot kasama ang iba pang pulis sa kasong gross negligence dahil sa hindi nila pinosasan ang suspect kung kaya't nakapang-agaw ito ng baril. Hindi binili ng SC ang dahilan ng mga pulis na wala silang posas kung kaya't hindi nila pinosasan ang suspect.

Ayon sa SC, kung wala silang posas, dapat sana'y iginapos nila ang suspect upang hindi ito nakapalag.