New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 55
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #1
    Nairereklamo ba ito? Kung nairereklamo, nagagawan ba ng aksyon?

    Karaniwan, marami ito sa mga bagong aspaltadong daanan. Congrats sa mga kontraktor na ito na nag-aspalto at ang mga nagpasimuno para gumanda ang mga daanan natin, yun nga lang may nakalimutan yata silang gawin... ang ayusin ang mga manholes. May mga takip nga pero may malalaking butas na nagagawa kapag nagpatong ng aspalto. Kung 6 inches ang kapal ng aspalto, yun din ang lalim ng butas.

    Kailan lang e, gaya ng sinasabi ni Bitoy ay "nayari" ako. Sa C5 papuntang Libis, after ng tulay sa Bagong Ilog, ay sa right portion ako nagdaan. Maganda naman ang daan pero di ko alam na may malalim palang manhole don. Di ko na ito naiwasan. Ang problema pa kasi ay madilim sa parteng yon kaya di ko na napansin. Nadaan ako don at "blag" na tunog na lang ang bumulaga sa akin. Ayun, may nadali sa kotse ko. Puno pa naman sasakyan ko nung oras na iyon. Alam ko sa suspension na ito. Eto, gastos na naman ako habang yung mga gumawa ng mga daanan na tulad nito ay nakangiti na lang cguro.

    Pag di kayo familiar sa mga daanan na ito, ingat na lang sa pag-mamaneho lalo na sa gabi. Watch out for the lubaks...

    C5 going to Libis, right side, after ng tulay sa Bagong Ilog. Gumitna na lang kaya kayo.

    Ortigas Ext. along Rosario Pasig

    P.Tuazon, QC papuntang N. Ndomingo, Balete. Naku, di tinatakpan ng maayos yung mga hinukay.

    Yun lang, share ko lang experience ko. Medyo tinatamad sa trabaho.

    By the way, yung sa Ortigas along Taytay, naayos na yung ganitong klase ng mga daanan. May government official sigurong nalubak. he he he

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #2
    I know the feeling. Kung hindi naman manhole, mga bukol sa kalsada.

    Problema ko yung sa labas ng subdivision namin. For the longest time, meron dung mga uka sa kalsada na lagi kong nadadaanan (think inverted na humps). Tapos e di pinagawa ng city hall, sinementuhan para mawala yung lubog. Ok na sana, kaya lang saka naman naisipan nitong isang water service contractor na maglagay ng pipeline sa ilalim ng kalsada, at nang matapos yung project, iniwan lang yung hukay na kulang sa tambak! Ngayon imbis na isa lang yung pino-problema ko nun, ngayon apat na lubak na ang nadadaanan ko papuntang gate ng subdivision, all within a span of 50 meters. Bwisit talaga.

  3. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #3
    yun ibang manhole ninanakaw kasi para ibakal. Ingat nalang kayo when driving.

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #4
    sa ortigas ext. (taytay) may mga bagong harang sa gitnang kalsada at may mga mini "craters" kaya mejo nde pa ata sha ayos. hehehe Nadali kme dati ng open manhole. ang lakas ng "kablag" ayun. butas ang gulong.

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #5
    Buti sana kung sasakyan mo lang ang masira, baka ibang aksidenta pa ang mangyari. Wag naman sana.

    Hindi ko naman nilalahat ang mga nasa gobyerno pero obvious na magkaproject lang ang ilan sa kanila e, madalian naman ang paggawa. Nagbabayad ka ng buwis para lang masira sasakyan mo. Nakakainis na nakakalungkot. Anong klaseng mga engineer o kontraktor gumagawa non. Di na ba sila marunong mag-isip.

  6. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #6
    san ba yan?! deadly yung mga ganyan na lubak or open manholes... nakakasira ng goma and mags yan.. mag iingat sa pag drdrive....

  7. #7
    baurtwell: lalo na yung mga naka lowprofile tires. baka mabengkong yung rims o pumutok goma...

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    641
    #8
    C5 going to Libis, right side, after ng tulay sa Bagong Ilog. Dito ako nadali. Ingat kayo dito. May knocking sound na sa suspension ko, front and back, after the incident.

    Ortigas Ext. along Rosario Pasig. Meron din daw sa Ortigas Taytay.

    P.Tuazon, QC papuntang N. Ndomingo, Balete. Naku, di tinatakpan ng maayos yung mga hinukay. (Mukhang okay na dito.) Dati, every 10 meters yata may lubak, nakakainis to.

    Ingat na lang sa lahat.

  9. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    2,019
    #9
    -ILD-

    isa nga din yun eh. ayaw ko ng mangyari na mabengkongan ako.. iiyak na naman ako sa gagastusin ko.. huhuhu...

    -WeaponX-

    thanks for the info bro!

  10. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #10
    ingat ingat baurtwel at baka mayupi ang bling blings!
    May naexperience na ako nito pero hindi ko kotse. May biglang pormado na SIR na humarurot sa gilid ko tapos nakita nalang namin siya sa gilid ng kalsada tinitignan mags niya. Haha yabang kasi nadali ng pothole sa marikina wahaha

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Perwisyong Manholes!!!