Kuha ni Jamilla Natalie Obispo ang simpatiya ng publiko. Gusto siyang papanalunin, dahil limang operasyon ang kakailanganin ng anak niyang may cleft palate.

Pero may nakausap kaming kasama sa trabaho ni Jamilla nu’ng siya’y GRO pa lamang sa isang girlie bar.

“Natutuwa kami, dahil hindi niya idinidenay na galing siya ng club. Eh, gano’n talaga. Meron siyang anak nu’ng 17 pa lang siya, binubuhay niya ‘yon, kaya nakabibilib din si Natalie.

“Pero sana naman, ‘wag nang ginagamit na dahilan ang anak, dahil kahit hindi naman siya sumali sa Pinoy Big Brother, kaya naman niyang ipagamot ang anak niya.”

Ba’t naman niya nasabi ito?

“Eh, juice ko, ‘no! May dyowa siyang mayamang Chinese businessman. Naibili siya ng Mazda 3, meron siyang bahay sa Southwoods, sa Laguna.

“Eh, nu’ng nag-birthday nga ang anak niya, sa Jollibee Alabang lang naman ginanap.”

Pero sa profile ni Jamilla na tsinek namin sa www.pinoybigbrother.com, ayaw niyang mag-commit kahit kanino?

“Naku, eh, alam ng Chinese na sasali si Jamilla, nag-usap na sila riyan, kaya pansinin mo, quiet lang ang lalaki.”

Sinabi pa ng aming source na hindi niya sinisira ang plano ni Jamilla na gawing stepping stone ang pagsali sa PBB para matupad ang pangarap nitong mag-artista.

“Hindi, happy nga kami para sa kanya, eh. Naiirita lang ang iba naming kasama kasi hindi na dapat ginagamit ang kalagayan ng anak niya.

“Kahit sa US, puwede niyang ipagamot ang anak niya, kayang-kaya ‘yan ng dyowa niyang Chinese!”

Nominated si Jamilla for eviction this Saturday, kung hindi siya mai-evict, tiyak na gustung-gusto ng mga tao ang inaasal niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
************************************************** **************