Nung bata kasi ako, di rin ako binbigyan ng parents ko ng regular na allowance. I mean I would get a 20 every now and then pero I only got regular allowance mga tipong high school and college. Para sa akin mas ok ata yung ganun kasi natuto ako na di lahat ng gusto ko makukuha ko ng ganun-ganun lang. Especially na in college I got a part-time job na rin so parang pamasahe na lang bibigay nila sa akin tapos ako na ang bumibili ng mga gusto ko
For my kids now, bata pa sila so sinasanay ko na baon muna sila for now. Duda din kasi ako paminsan sa sanitation ng mga canteen eh. Pero yung baonan naman nila is completo. May snacks sila, pang lunch, water, juice/milk, and konting sweet treats. I try to make it fun din by using creative containers since ang mga bata ang hilig sa mga ganun. This year ang gusto naman nila is yung libre sa milk nilang Lactum 6+ so baka yun na lang at makatipid naman ako. haha.
![]()





Reply With Quote