kainis kayo, ayaw ko sana pansinin thread na to at ma-homesick ako. kasi post kayo ng post lagi nasa taas di rin ako makatiis!

panganay namin (adopted, 1 year old na nung kinuha namin) last year hirap pa maglakad, ngayon hirap na habulin. tigas na ng ulo, marunong na ng "NO" kaya kahit ano sabihin ko "NO" ang sagot. pag ayaw kumain "NO!" pag ayaw matulog, "NO!" ayaw pumasok sa loob kahit gabi na "NO!" kahit ano turo ko ng "Yes" e "NO!" pa din ang sagot. waaaah! di naman ako naniwala sa palo so hangang "please, sige na payag ka na" lang ako. "NO" pa din sagot. hu-hu-hu-hu! marunong na din mag-yaya. "Papa SM", "Papa Megamall", "Papa Jollibee", "Papa bili shoes". "Papa bili toy". kahit wala na ko pera sa bulsa pag nangulit na, sus! e marunong na umarte, kunwari iiyak. bili ang papa. haaaay!

yun naman bunso kapapanganak lang nung january. dati milk lang ok na buhay nya. ngayon gusto pag gising sa umaga manuod ng cartoons. pag ayaw nya palabas iiyak, so ililipat mo isa-isa channel hanggang magustuhan nya palabas. nakataas pa paa nun sa stroller ha. kahit ano gawin mo position nya sa stroller aayos siya na nakataas dalawa paa. kulet na din, pag ayaw pa matulog di siya matutulog kahit gabi na. pag ayaw nya yung baby food nya itatapon, o kaya lalaruin lang.

parehong babae. sakit siguro ng ulo ko pag laki ng dalawang baby namin. sabi ko nga sa misis ko bili na ko ng street sweeper na shotgun eh, habang legal pa bumili.