New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    61
    #1
    Isang taon na rin ang inabot mula ng una kong isinulat ito. Maraming nagalit, nainis, at nag-death threat. Panahon na naman para manambol. Para manggising. Kung di mo to nabasa last year na kumalat sa mga email, eto na ulet. Kahit papano naapektuhan ang mga nakabasa. Yun lang ang nais ko. Ikalat ng masapul ang mga dapat tamaan.Peace.

    ------------------------------------------------------------------------------
    PARA SA IYO TO ‘TOL
    Seamus Hermoso
    February 2005

    Ayos. Government Convoy. Puro itim na SUV, kasabay ang mga pulis na naka-motorsiklo. Red light. Sige tuloy lang, di bale nang muntik masagi ang isang kariton na tumatawid. Walang batas sayo, pula ang plaka mo e. Tsk tsk. Importante siguro ang lakad na yan. Baka may impeachment ulit. O kaya mamamatay na yung isang baklang senador. Wow. Ayos lang naman siguro mangarap. Quezon Avenue na. Ano to? Sabay liko sila sa Pegasus? At teka, hindi si congressman yung sakay, iyan yung anak nya sa pangatlong asawa nya.

    Oo. Dahil public servant ang tatay mo e may karapatan ka rin gamitin ang convoy nya. At syempre dahil mambabatas sya, e pakiramdam mo, angat ka narin sa batas. Hindi ka nag-iisa. Marami kayong ganyan. Magagara mga suot nyo at magaganda mga kotse niyo. Kahit sino kaya niyong ipagulpi. Walang batas na hindi nyo kayang ibaluktot, gawain din yan ng tatay mo ‘di ba? Yung iba, alam yung mga pagnanakaw at kagaguhan ng magulang na politico. Yung iba, walang nalalaman, basta ba maginhawa ang buhay nila. At yung iba, wala talagang pakialam.

    Hindi. Hindi totoo na karamihan ng mag-aaral ay nagtatapos ng kurso para maglingkod sa bayan. Ang pangunahing rason ay, ang magpayaman. Ano pa ang aasahan mo sa mga pinanganak sa isang Third World Country, o para mabango, sa Developing Nation? Isang bansa na kahit gaano kaganda at kayaman ay matagal ng nagpapa-uto sa mga banyaga at tuluyan ng nabulag sa kapitalismo. Kaya syempre, inborn na siguro sa atin na dapat magpayaman. Survival instincts sabi nila. Kung hindi mag-nenegosyo, e pumasok sa pulitika. Swerte mo kung gwapo o maganda ka, mag-artista ka muna, tapos saka ka pumasok sa pulitika.

    Oo. Matagal ng ideya yan. At malamang ay yan mismo ang naisip ng magulang mo kaya siya public servant ngayon. Yan din ay naisip ng lolo mo, ng tito mo, at ng mga asawa at pinsan nila. Kaya sila, public servant rin, yun daw ang tawag sa kanilang mga politiko. Napapansin ko lang, na taong bayan ang tila naninilbihan sa mga public servant. At ngayon, ikaw ay inihahanda na para sa uupuan mong pwesto sa kaharian nyo. Kung saan ang lolo mo, tito mo, asawa nya, pinsan mo, kapatid mo, tatay mo at kabit ng tatay mo, lahat nakaupo sa pwesto. Teka, sa huling pagkakaalam ko, demokratikong republika tayo, tama ba?

    Hindi. May mga kabataan naman na nasa tamang direksyon ang idelohiya. Mga socially aware ika nga, mga gusto ng pagbabago at gumagawa ng paraan para makamit ito, hindi puro debate. Hindi puro rally. Mga gumagawa mismo ng aksyon at pagbabago. Sana nga lang e hanggang sa makatapos sila e wag sila makain ng sistema ng pulitika na umiikot sa mundo ng mga Quezon, Osmeña, Roxas, Ninoy at nung Tatlo. Pero ano pa ba ang pagpipilian nila? Tumulong sa bayan pero magutom kinagabihan? O, mag-nurse nalang sa ibang bansa at makamit ang inaasam na kayamanan? "Wala ka nang ibang mapili, kelangan mabuhay" sabi nga ng kaibigan kong nakaputi palagi.

    Oo. Naiinis ka sa mga masyadong bilib sa bansa natin. Naaasar ka sa mga kabataang nag-rarally lagi sa Mendiola o kaya’y nagsusulat sa mga pahayagan para ilathatla ang katotohanan. Mabuti nga at meron silang pinagkaka-abalahan, yun nga lang karamihan sa kanila pinapatay. Ngunit kahit na sila’y patayin, imortal na ang mga yan dahil sa itinatak nila sa lipunan. Di katulad mo na pagkatapos ng buhay mo dito ay makakalimutan na ang puntod ng iyong bangkay. Sino ka nga uli?

    Hindi. Hindi lahat ay taga-hanga ng Ateneo at LaSalle na koponan sa UAAP. May mga nais maiba. Mga taong hindi pinipilit na makipagkiskisan sa mga taong nasa itaas ng lipunan. Mga taong nasa itaas na walang inatupag kundi uminom ng kapeng mahal habang nagyayabangan kung sinong pinaka-maperang magulang. Mga nabulag sa kinang ng magagarang sasakyan at cell phone.

    Oo. May mga taong katulad ko. Mga taong nais ng pagbabago. Rebolusyon kung rebolusyon. Madugo man, basta mapalitan ang sistema. Hindi itong gobyerno natin na puro nalang kayo ang namamahala. Puro mga dinadaan sa impluwensya at pera. May mga taong katulad ko na hindi takot sa inyo.

    Ayos. Madami ka yatang iuuwi na babae mamaya. Magpakasaya ka. Sa ngayon e ambulansya nalang ang nirerespeto ko na nagmamadali sa daan. Mga ‘tol matuto kayong sumunod sa batas trapiko. Makisama kayo sa mga taong ginawan nyo ng batas. Ingat nalang sa susunod na convoy nyo, dapat nga siguro talagang magmadali ka. Matakot ka sa sarili mong bansa. Alam mo na kasi na maraming galit sayo.
    ----------------------------------------------------------------------

    Nakikiramay nga pala ko sa mga taong napahamak o nalagasan ng kamag-anak sa nangyaring stampede sa Ultra. Nakakainis lang na nakahanap nanaman ang mga pulitiko at mga nagsisikat-sikatan ng paraan para ma-tv ulet. Pagkakakitaan pa nga ata ng a-"bias"-cbn ang sakuna. Wag naman na sana. Mayaman na masyado ang mga Lopez at hawak na nila ang 'Pinas. Meron pa na naka-complete gear kasama ang red cross para makita ng buong bayan na tumutulong sya. Wow talaga. Pwede bang politiko ang head ng red cross na isang non-govenment agency? Tuwang tuwa siguro tong taong ito kapag may sakuna kase ma-ttv sya. chance para magpasikat at mag-iiyak kuno para makakuha ng boto next year. Gawin narin palang pulitiko ang head ng unicef, greenpeace, etc.!


    ------------------------------------------------------------------------
    "Mabuhay Ka Sa Tunog Ng Mahiwagang Ingay"
    bobodawiseman.multiply.com

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    61
    #2
    Eto pa ngayong nagkakagulo sa edsa, ang dami kong nakitang taong nandiri, nainis at kung ano anong ka-konyohang pinagsasabi laban sa kilusan. Bakit ganun? Wag ka magalit sa rallyista, symptoms yan ng mas malalang problema. look at the bigger picture. tapos, look at yourself. kaya tayo hindi umuunlad dahil sa mga taong walang pakialam. mga ang gusto lang, yumaman. nakakainis! gising mga tol!!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #3
    P500 lang ang katapat nyan!

  4. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #4
    kanta ba to ni manny?

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #5
    Quote Originally Posted by Isuzoom
    kanta ba to ni manny?

    Kala ko rin, eh......

Para Sa Yo TOL