Results 1 to 10 of 13
-
June 24th, 2005 08:36 PM #1
[SIZE=4]Ari ng mister inasinta ng parak na misis[/SIZE]
Nakaiwas ang isang palikerong mister sa pagkapurnada ng kanyang pagkalalaki nang maiiwas niya ang ari sa pamamaril ng kanyang misis na pulis ngunit tinamaan pa rin ito sa kanyang pigi, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.
Nasa kritikal na kondisyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang nabaril na mister na si Jonathan Espiritu, 32, ng #391 D Pavia St., Tondo.
Kusang-loob namang sumuko sa kanyang mga kabaro si PO1 Mirasol Espiritu, nakatalaga sa WPD-Station 4 (Sampaloc) matapos ang pamamaril.
Sa ulat ng WPD-Women’s and Children’s Desk, naganap ang pamamaril dakong alas-5 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawang Espiritu sa gitna ng mainitan nilang pagtatalo.
Noon pang nakaraang Hunyo 19 humihingi ng tulong si Mirasol sa kanyang mga kapwa pulis dahil sa ginagawang pananakit umano sa kanya ng mister ngunit sinabihan muna siya na ayusin muna ang problema sa mapayapang paraan.
Ayon kay Mirasol, muli umano siyang sinaktan ng mister nang pagtalunan nila ang umano’y pagiging palikero nito. Hindi na umano siya nakapagpigil nang tangkaing pasabugin ang ari ng mister na nagawang makailag kaya naman sa pige ito tinamaan ng bala.
Nakadetine ngayon sa WPD-Headquarters si Mirasol na nahaharap sa kasong frustrated homicide
-
-
-
-
June 25th, 2005 12:26 AM #5
yan ba yung ginawan ng story sa tv? hehehe aray ang tapang ni misis! rambo!
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2005
- Posts
- 75
June 25th, 2005 12:30 AM #7tama lang yon sa lalaking ganon di mo naman kasi kailangan saktan yong asawa mo in the 1st place di ba?
-
Driver/PasaHERO
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 1,310
-
June 25th, 2005 07:28 AM #9Originally Posted by BoEinG_747
-
June 25th, 2005 11:11 PM #10
What the?! Parang kilala ko yung lalake... that was way back early '90s pa. Kung sya nga yun may pinsan yang Darwin & Francis at anak ng may-ari ng medical supplies sa Sta. Cruz.
To cut the story short, yung pinag report nilang presinto sa women's desk kasamahan din namin sa amateur radio. But I doubt if they could remember each other...
Babala! Sarado at Ginagawa mga south bound flyovers along c5. Medyo mabagal Ang daloy kanina Ng...
Traffic!