Alin ka ba sa mga ito?
Eto mga tips ko, sana makatulong ng malaki sa iyo, at wag mo kalimutan ang mga tsikoteers pag mayaman ka na.
1. Pag gwapo o maganda ka pero walang ibang talent, mag-artista ka.
2. Kung makapal ang mukha mo mag-asawa ka ng mayaman.
3. Pag matalino ka, subukan mong mag-imbento ng car engine na ang fuel ay tubig. Tiyak yayaman ka dun sa dami ng tsikoteers na bibili ng vehicles na ganito engine.
4. Kung malakas ang loob mo at wala kang konsyensiya, magnakaw o mangholdap ka ng bangko. Wag ka lang mang-carnap ng vehicles kasi malaking atraso sa mga tsikoteers yan.
5. Kung magaling kang mambola, magbenta ka ng mga fake products o pyramid scam.
6. Kung sobrang kapal ng mukha mo at sobra wala kang konsiyensiya, magtrabaho ka sa BIR, Customs o DPWH.
7. Kung todo-max sa kapal ang mukha mo at ni katiting wala kang konsyensiya, tumakbo ka sa pulitika ngayong darating na halalan. Pag nanalo ka tiyak yun malakas ang kurakot, lalo na kung ang tatakbuhan mong posisyon ay senador, kongresman, mayor ng malalaking city like makati qc manila, o gobernador ng mga probinsya na malakas ang jueteng. Jackpot ka pag nanalo daig mo pa ang tumama sa lotto. Pero para sigurado na mananalo ka dapat dumaan ka muna sa Tip no. 1.
Kung none of the above ka, wala pa ring tatalo sa sipag, tiyaga, konting abilidad at talino.