New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 16 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 158
  1. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    227
    #1
    Ayon sa isang source sa loob ng Dos, usap usapan daw sa loob ng kanilang bakuran na nag-flop ang karamihan sa mga shows na bago ng ABS-CBN laban sa GMA. Bad news daw para sa Lopez owned company dahil tanging ang Wowowee lamang ang nagclick sa lahat ng mga ito, pero hindi parin lumamang sa ratings laban sa katapat na show na Eat Bulaga.

    Sa ilang pag-aaral ng ilang mga advertising agencies, pinaka-maling move daw ng Dos ang pagpapalit ng pangalang TV Patrol to TV Patrol World! Ayon sa kanila, nahihirapan daw silang magplace ng advertisement sa Dos kasi karamihan ng mga produktong binibenta nila ay local, subalit ginawang market ng TV Patrol World international.

    Bukod pa rito, hindi raw maganda ang chemistry nina Karen Davila, Ted Failon, at Julius Babao na mga News anchor ng TV Patrol World. Buti pa raw sa radio, malakas ang impact nina Ted Failon at ng dating host ng Patrol na si Korina Sanchez.

    Gaano rin kaya katotoo ang balitang tuloy na ang resignation ni Charo Santos-Concio bilang isa sa mga top executive ng Dos dahil sa hindi nito makasundo ang bagong EVP and COO na si Mr. Alejandro? Sana maayos din nila ang gusot bago pa mahuli ang lahat.

    Samantala, nagkakagulo naman daw ang mga advertisers para sa GMA dahil puno na ang slots para sa mga advertisement ng ilo-launch na fantaserye nilang Darna. Ayon pa sa source na galing Dos, gagawan na lang daw nila ng spoof ang Darna kung saan si John Lapuz ang magiging bida. Ganito rin ata ang ginawang move ng Siete before at gumawa sila ng spoof na Marinara noong umariba ng todo ang Marina.


  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #2
    pabagsak?

    AFAIK, 1B ang net income ng ABS-CBN for 2004.

    International rin ang operations ng ABS-CBN (Australia, Middle East, USA, Europe, etc).

    Diversified rin ang operations ng ABS-CBN (hindi lang Channel 2 ang lifeblood nila... meron silang Studio 23, ANC, Star Cinema, etc).

  3. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #3
    talo lng cguro sa GMA, pero di naman pabagsak. kng pabagsak ang ABS e ano tawag sa ABC, RPN n etc hehehe

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    kala ko DOS... as in Disk Operating System, o yung MS-DOS....
    sasagot pa naman sana ako ng oo.

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    138
    #5
    Quote Originally Posted by mazdamazda
    pabagsak?
    Diversified rin ang operations ng ABS-CBN (hindi lang Channel 2 ang lifeblood nila... meron silang Studio 23, ANC, Star Cinema, etc).
    spoken like taga ABS kana bro? tinanggap mo na ba?

    DOS is dead... it started dying in Windows 95.... ;)

    i think ABS is doing bad... sabi nga ni m2
    Last edited by jiggs84; March 8th, 2005 at 03:31 PM.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #6
    Quote Originally Posted by jiggs84
    spoken like taga ABS kana bro? tinanggap mo na ba?

    DOS is dead... it started in Windows 95.... ;)

    i think ABS is doing bad... sabi nga ni m2
    hindi... hehehe!!! loyal ako sa Sun eh...

  7. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    9,720
    #7
    ung style ata ng ABS, me target audience ung each of their networks/channels: channel 2 for the the, um, baduy crowd, anc for business types, studio 23 para sa "hip" crowd kumbaga. hope i'm not offending anyone here, just an observation B).

  8. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #8
    medyo rough patch lang yan. majirap pabagsakin ang ganyan ka laking company. most liely, they will dive on the cost of advertising slots to attract advertisers while they work on their programming issues.

    andy

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #9
    it would help greatly if they start with their news & current affairs programs. they should get rid of sanctimonious and abrasive tv newscasters like karen davila, erwin tulfo, tony velasquez, etc. and just leave them to am radio. whatever happened to angelo castro and tina monzon palma? mukhang sila nalang ang pwedeng magbigay ng balita na hindi tabloid ang dating.

  10. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    185
    #10
    Of course not, they are still belong to the TOP 10 companies in the Philippines.

Page 1 of 16 1234511 ... LastLast
Pabagsak na nga ba ang Dos?