New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 79
  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    403
    #1
    had a friend who borrowed money from me last month. came pay day, i expected he would pay me pero hindi. seems nakalimutan nya and i am now reluctant to remind him about it

    paano ko kaya maipapaalala sa kanya na may utang sya sa akin

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #2
    Pareho pala tayo. Ako na inutangan, ako pa nahihiyang maningil.

    Kung nahihiya kang maningil harapan, i-text mo na lang. Pero baka sabihin naman, "Wala akong natanggap na txt mo...." Patay tayo dyan!

  3. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,815
    #3
    If you dont wanna loose a friend wag ito uutangan...............not unless marunong kang magbayad .though a friend will always be a friend

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #4
    ipasabi ninyo sa iba. hehe.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,092
    #5
    simple lang yan, sabihin niyo ng harapan, sabihin niyo na kailangan niyo na rin yun pera...so on and so forth, yan ang problema sa atin pinoy, puro hiya...

  6. Join Date
    May 2005
    Posts
    135
    #6
    ganyan nga ang pinoy, sya na nagpautang sya pa ang nahihiyang maningil... ganyan din ako dati pero binago ko na pananaw ko, dapat marunong kang maningil... simple lang yun, sabihin mo lang "bro! pa-alala ko lang yung hiniram mo sa akin, kelangan ko ng budget eh"

    sayang din yun, that's your hard earned money...

    kung baga, you have to show that you also needed the money that he/she have borrowed you...

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #7
    utangan mo din hehehehe! dialog mo parang ganito:

    "pare short ako ngayon e, baka pwedeng pautang naman." syempre kung meron sya hiya e maalala nya yung utang nya sa iyo di ba. so sasagot siya ng "pare ikaw naman, bayaran ko na lang yung utang ko sa iyo." so ok na di ba. at para mas ok e sabihin mo na talagang uutang ka sa kanya ng mas malaki sa utang nya sa iyo hehehehe! tapos next month ikaw naman ang wag magbayad!

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    622
    #8
    kung nahihiya kang maningil, utangan mo na lang, tapos kalimutan mo ring bayaran.

  9. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,731
    #9
    Yes, sabihin ng harapan, wag lang sa harap ng maraming tao para hindi mapahiya. Pag hindi makabayad, tell him/her to provide a specific date when to pay so that pagdating nung day na yun, you have every right to demand it kasi nagpromise sya...

    Problema sa Pinoy, umuutang pero hindi nagsasabi ng exact date, puro next month, sa susunod na linggo, in 3 months, etc. etc. Mas mabuti pa na sabihin na mababayad ako sa April 15 o May 15, at least definite ang date.

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #10
    sell him something. sabihin mo kaya mo binebenta kasi short ka. baka sakaling maalala utang sayo at magbayad.

Page 1 of 8 12345 ... LastLast
paano kayo maningil ng utang..