Naaalala mo pa ba noon na:
1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa.
2. ang babae lang ang may hikaw.
3. ang preso lang ang may tattoo.
4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa.
5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa.
7. diyes lang ang isang basong taho.
8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si manong na magtataho
9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo.
10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga.
11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual type-writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo
12. kaya uso pa noon ang carbon paper.
13. at tancho o superman o 3 flowers ang pang-ayos mo ng buhok.
14. KLIM ang tinitimpl! a ng nanay mo para sa'yo para inumin mo bago matulog.
15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala.
16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo.
17. computer cards ang iyung tinutupi para maging baril barilan.
18. singkwenta sentimos lang ang songhits.
19. pango pa si Vilma.
20. kay Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita.
21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit.
22. pinagtatawanan ang kalbo.
23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit.
24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod .
25. lalaki pa noon si Ernie Maceda at Sonny Osmena.
26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na.
27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo.
28. payat na payattt ka pa noon.
29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.
30. malago pa ang buhok mo.
31. Jingle lang at Songhits nakakanta na...ngayon naka Karaoke pa.
32. $1.00 = 4 pesos
33. Si Dolphy matanda na, hanggang ngayon buhay pa at nang-aanak pa.
34. Sa Quiapo dati "praise the lord", ngayon "salaam maleykum" na.
Kung naaalala mo pa yan eh... tsk tsk !!! Kaya wag na ka nang naiinis sa kahit anong bagay, enjoy ka na lang sa buhay, at magmahalan na lang tayong lahat.


Reply With Quote
