New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 7 of 7
  1. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    2,421
    #1
    Naaalala mo pa ba noon na:

    1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa.

    2. ang babae lang ang may hikaw.

    3. ang preso lang ang may tattoo.

    4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng dyaryo nababasa.

    5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.

    6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa.

    7. diyes lang ang isang basong taho.

    8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso, kasi wala pang plastic cups noon si manong na magtataho

    9. chocnut, bukayo at kending vicks ang pinag-gagastusan mo ng sinko mo.

    10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine, at matamis na bao sa umaga.

    11. nagkaka-kalyo ka dahil sa manual type-writer pa ang ginagamit mo para sa school paper mo

    12. kaya uso pa noon ang carbon paper.

    13. at tancho o superman o 3 flowers ang pang-ayos mo ng buhok.

    14. KLIM ang tinitimpl! a ng nanay mo para sa'yo para inumin mo bago matulog.

    15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala.

    16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan para tawagan ang kaibigan mo.

    17. computer cards ang iyung tinutupi para maging baril barilan.

    18. singkwenta sentimos lang ang songhits.

    19. pango pa si Vilma.

    20. kay Paeng Yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa panahon ang balita.

    21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit.

    22. pinagtatawanan ang kalbo.

    23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit.

    24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae, ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod .

    25. lalaki pa noon si Ernie Maceda at Sonny Osmena.

    26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na.

    27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo.

    28. payat na payattt ka pa noon.

    29. highway 54 pa noon at wala pang EDSA.

    30. malago pa ang buhok mo.

    31. Jingle lang at Songhits nakakanta na...ngayon naka Karaoke pa.

    32. $1.00 = 4 pesos

    33. Si Dolphy matanda na, hanggang ngayon buhay pa at nang-aanak pa.

    34. Sa Quiapo dati "praise the lord", ngayon "salaam maleykum" na.

    Kung naaalala mo pa yan eh... tsk tsk !!! Kaya wag na ka nang naiinis sa kahit anong bagay, enjoy ka na lang sa buhay, at magmahalan na lang tayong lahat.

  2. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #2
    4 digits lang sa amin ang phone number... lumayo ka pa ng konti 3 digits na lang. Early 80's.

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    1,264
    #3
    dun sa mga iba, di pa yata ako pinanganak nun.... :D

  4. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #4
    Umm alam ko lang nun e yung Highway 54. Tsaka Dewey Blvd yung Roxas. Kwento lang sakin yun ng parents ko.

  5. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #5
    Sa mga kalye:

    1. Now you know why pag sakay mo ng jeep o FX na tatawid ng EDSA, puwede mong sabihing sa "highway" ka bababa, alam nilang sa EDSA ka bababa.

    2. A.H. Lacson was Gov. Forbes.

    3. Pablo Ocampo was Vito Cruz (and jeep signs haven't changed.)

    4. Sa dulo ng Taft may rotonda dati, bago nagkaroon ng poste ng LRT, kaya Rotonda ang sign sa jeep.

    5. As Roxas was Dewey, Taft was something else. I forgot. Daytona nga ba?

    6. Saan ang Dakota, kaya may Dakota-Harrison na jeep?

    7. Buendia pa rin ang tawag ng marami sa Sen. Gil Puyat Ave.

    8. Pasay Road ang dating tawag sa A.S. Arnaiz Ave., at hanggang South Super Highway lang ang Pasay Road, tama ba?

    9. At hindi na South Super Highway kundi Osmena Highway (Blvd.?) na ito.

    10. Merong C-3 at C-5. At EDSA ang C-4 (tama ba?). And C means Circumferential Road. Alin ang C1 at C2?
    Last edited by the_wildthing; March 16th, 2006 at 03:55 AM.

  6. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    12,347
    #6
    I only remember my neck of the woods from late 1975 to early 1985 which is:

    1. There was no Las Pinas City yet. Las Pinas was the town proper where the Bamboo Organ is. Where I lived is Pamplona, Las Pinas and we considered ourselves separate from those jokers at Las Pinas proper. One thing that hasn't changed from those times is that it was an Aguilar who was the mayor then. Now, it's still an Aguilar. In fact, the current mayor used to be our neighbor and in fact, may still be if he still lives in Dona Manuela Subdivision.

    2. There were no malls adjacent to both Philamlife Village and Dona Manuela Subdivision. But, there was an RFC Supermarket in front of Dona Manuela Subdivision and that was it. In fact the only reason I hung around that area was to go swimming at the Philamlife Village swimming pool which was the only other public swimming pool besides Lozada's.

    3. There was no Coastal Road to Cavite. You want to go to Manila from Cavite, you took that crowded 2-lane road through Kawit, Binakayan, Bacoor, Zapote, Las Pinas, and Paranaque.

    I'll add more as I remember more......
    Last edited by Jun aka Pekto; March 16th, 2006 at 04:23 AM.

  7. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #7
    Quote Originally Posted by the_wildthing
    10. Merong C-3 at C-5. At EDSA ang C-4 (tama ba?). And C means Circumferential Road. Alin ang C1 at C2?
    yung C2 di ba favorite drink natin ngayon yun? hehe! joke!

    - Wala pang Macapagal Avenue noon kundi isang malaking dagat pa ito nun.
    - ang The Fort ngayon ay dating Fort Bonifacio na mahirap makapasok ang civilian sa loob.

Naaalala mo pa ba...