Re: Sa mga middle-class
Tama kayo, ang middle-class ang pinaka-apektado sa mga nangyayari sa bansa natin ngayon. Kayong mga nagtatrabaho para sa pamilya at nagbabayad ng buwis ang pinakamagandang ehemplo ng ating lipunan.
Hmmm, pero teka, 9:15am ko natanggap tong E-mail ah. Sana pagdating sa opisina, bawas bawasan naman ang pag-iinternet para maging produktibo ka sa kompanya. Nais ko ring iparating na 12-1pm lang po ang break time sa kompanyang ito, kasama na dun ang pag-toothbrush at make-up. Napapansin ko lang na 1pm nga kayo gumigising ngunit trenta minutos naman po ang inyong pag-aayos. Bawasan narin sana ang loafing... Di porket paikot-ikot ang isang empleyado sa opisina ay may ginagawa na ito. On a final note, 5pm po ang uwian sa opisinang ito. Napapansin ko lang 4:30pm palang, nag-eempake na kayo. Yung iba naman, nag-iinternet parin.
PS: Uwi agad sa bahay ha, mahal ang beer ngayon R-VAT na.
Signed,
The Boss
(Hehe... Joke lang mga tol, baka igisa ako ng buhay nito...)