I am a bit OC, lalo na sa mga bagong gadgets o gamit. Ayaw na ayaw kong nagagasgasan o nadudumihan. Pero pag matagal na yun isang gamit sa akin, nawawala na yun pagka-OC ko.
OC na rin siguro maitatawag na may sariling kubyertos ako sa bahay at baso. Yun kutsara at tinidor ko ay ginagamit ko na since nung bata pa ako at yun pa rin gamit ko hanggang ngayon. Meron pa nga akong baso dati na for more than 20 years yun lang ang baso ko sa bahay (came from McDo na Disney na baso na may floating glitters sa loob at stars). Pero ngayon, yun kutsara tinidor nalang ang natitirang buhay. Pero kung sa labas ako kakain, ok lang na kahit anong klaseng kutsara tinidor gamitin ko basta nahugasan nang mabuti.




Reply With Quote

