ako may nangyari din na ganyan....nagwithdraw ako nang pera over the counter, tapos habang papalabas sa bangko eh binibilang ko yung pera, yun pala mintis na ako dun sa pintuan, ayun lagabog ulo ko sa glass wall.....hehehehe tawanan tuloy yung mga tao dun sa BPI.....kakahiya, di ko alam kung papano ako nakauwi sa hiya, pagdating ko sa bahay me bukol pa ako sa noo.....hehehehehe
kaya okey lang yan ser....lahat sa atin siguro eh me ganitong nakakahiyang karanasan.....
ako din nagkaganyan sa mall, nakita ko ung watch na gustong gusto ko sa display window, tiningnan ko, d pa ko nakuntento inilapit ko pa mukha ko...*BLAG* nginig ung buong glass window nung shop hehehe, sapul noo ko, badtrip pa dun may bakat ng noo at pawis ko ung glass window hehehehe
wag kang mag-alala boybi... indi ka nag-iisa. nangyari na rin sa kin yan...matagal nang nakaraan.
nanliligaw ako non sa former classmate ko... sa USTE yun. Sinundo ko minsan mula sa AS building. Habang naglalakad kami palabas ng USTE, nakatingin ako sa kanya, ng biglang "TONG!!!" ...umalingawngaw yung stop sign na poste... nabangga ako. sapul ako sa ulo. namfucha...sira diskarte ko heheheh parang tuning fork na malaki yung stop sign. may tono pa! :D :freak: