New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 13
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #1
    May emergency ako kanina naipit yung kamay nang anak ko sa pinto nang isara nang misis. Tumawag sya sa akin sa ofc kasi hindi tumitigil ang dugo saka iyak nang iyak na...

    Hangos naman ako pauwi sa bahay kasi walang magdridirve sa kanila sa ospital. Nag hazard na ako saka busina nang busina para malaman na emergency lang itong isang gago at kalahati na owner type jeep ayaw ako padaanin kung saan ako kakabig dun din sya kakabig kahit nakahazard at busina na ako nang busina na hindi naman nakakairita sa tenga.

    Nung nalagpasan ko na sya kasi nakikipagkarera sa akin ayun nung naabutan ako nang stop light nang aasar pa busina rin sya nang busina sa likod ko at tatawatawa.

    Sarap babain kung hindi lang emergency at kailangan na talaga ako makauwi para dalhin yung anak ko sa ospital.

    Tao nga naman may mga sira ang ulo at walang konsiderasyon.

    Hinga lang nang galit at sama nang loob.

  2. #2
    Cool lang pare.. di na dapat patulan yan. Pero di naman kita masisisi sarap talagang babaan yung mga ganyan pero ikaw din ang talo kasi mga walang pinagaralan yan... walang common sense, walang consideration sa ibang motorista. Parepareho lang yan ke taxi, bus, jeep, pedicab, tricycle, Kalesa lahat yan mga walang modo. Panu ba nakakuha ng lisensya mga yan??

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #3
    ako din minsan may emergency, inatake sa puso uncle ko and since andun ako sa kanila ako nagdala sa ospital. ganyan din, hazard lights saka busina. meron ayaw magpadaan, hinarangan pa ko. so ginawa ko bumaba ako tapos sinabi ko sa kanya medical emergency heart attack. ayun napahiya tinabi din nya pick up nya.

    ngayon lagi may card sa trunk, dalawa. "medical emergency" nakalagay para pwede ko ilagay sa windshield if kailangan ko.
    Last edited by yebo; March 1st, 2005 at 08:56 PM.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #4
    barilin ko na kaagad yun kung binabaan ko sya :fire:

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #5
    Makuha mo lang plaka nun, oks na. Pa-trace mo sa LTO kung sino may-ari.

    Dami talagang motorista ngayon na magtataka ka kung paano nakakuha ng lisensya....

  6. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    239
    #6
    hwag na pansinin..kasi halatang ugaling lowlife, di ba..? unless you'll go down more lower than him..

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #7
    haaay..pare..sasabihin ko sayo na wag na nga patulan...

    pero...AARRRRRRGGGGG.nakakainit nga ng ulo!!!!

    hay..mga tao...gusto ko sabihin na sana may magagawa tayo....pero wala na yata talaga.

  8. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,079
    #8
    Marami talagang ogags ngayon sa kalsada, I've repeated this phrase siguro thousands of times "Masyadong madali kumuha ng lisensya dito sa atin." Kaya ayan! pati mga hinayupak na walang alam tungkol sa road courtesy end etiquette nakakapagdrive, sana pag sila na may emergency, maflatan ng gulong sasakyan nila.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #9
    wala tayong magagawa sa mga ganun.. kasi minsan kahit hinde emergency ginagawa pang emergency bihira na tulyo un mga naniniwala..

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #10
    Mukha ngang tama si Odell may mga tao na gumagawa nun kahit hindi emergency.

    Kasi ako nakababa yung window ko, hazard saka mahina na busina.

    Hay buti na lang may nahihingan nang galit sa mundo.

    Buti nakapagpigil ako, naiisip ko kasi iyak nang anak ko nung tumatawag misis ko nasusuka na sa sobrang pag iyak.

    MARAMING SALAMAT SA INYO!!!

Page 1 of 2 12 LastLast
nakakagigil...Ganyan na ba talaga ugali nang tao!!!