sa disiplina, pag uugali, pamumuhay, antas ng pag iisip, sa lahat ng bagay may kaibahan po ba ang laking syudad, probinsya o baryo?
sa disiplina, pag uugali, pamumuhay, antas ng pag iisip, sa lahat ng bagay may kaibahan po ba ang laking syudad, probinsya o baryo?
lahat yata e may kaibahan. kahit sa parehong laki sa syudad o baryo. tingin ko lahat ito e factor na malaki ay yung pagpapalaki ng magulang, at mga kaibigang nasamahan.
lalo sa pamumuhay. di hamak na mas masuwerte ang namumuhay ng simple sa mga probinsya o baryo. if i would be given a chance. dun ako sa probinsya.![]()
Last edited by LexTer; March 24th, 2008 at 11:15 PM.
Pag laking baryo ang lalake at nanliligaw, siya ay nanghaharana gamit ang gitara, pag laking siyudad, dala niya auto niya (or ng tatay niya) at nagpapabayo ng Neyo sa harap ng bahay ng chick
![]()
ako umiinom sa poso, yun mga tiyuhin ko at mga pinsan hindi pero laki ako sa siyudad at laki sila sa probinsya
Depende sa nakalakihang paligid at nakasalamuha. Kung maige ang nakalakhan walang diprensya kung saang lupalop man lumaki. Kaya nga makikita mo sa pag-uugali kung saan siya lumaki eh…
sabi pa nga ng mga auntie ko pag sumagot kami ng "o or oo" sa matanda.
mga pinaglihi daw ba kami sa baka or baka kami![]()
laking syudad man o probinsya para sa akin ay depende sa pag papalaki sa magulang at syempre may epekto din ng mga kabarkada implowensiya![]()
malaki ang kaibahan ng taong lumaki sa probinsiya at lumaki sa siyudad.
mga promdi mas simpleng mamuhay![]()
laking probinsya lalaki ang nanliligaw sa babae, laking siyudad babae ang nanliligaw sa lalaki.. kaya sa madaling salita mas gusto ko dito sa siyudad..![]()
Yep. That's true.
Ako laking probinsiya po ako. Walang kaartehan sa pamumuhay. Kung ano ang nasa hapag kainan, pagtiisan mo. Almusal, "Blend Forty-rice", at swerte na kung may pandesal sa hapag. Madalas daing ulam namin noon, at gulay. Pero masaya na kami noon!
Yung mga anak ko, na laki sa syudad, pag naiku-kwento ko yung buhay namin noon sa province, di sila makapaniwala........
Tama yung sabi ng ibang Tsikoteers. Depende yan sa pagpapalaki mga magulang sa mga bata. At depende rin sa estado ng pamumuhay ng isang tao. Yun kasing mga ibang promdi, may kaya, kaya wala rin pinag-iba sa buhay ng mga taga siyudad.
laking probinsya ako, nung baging salta ako sa maynila nung college ako, medyo culture shock ako sa mga babaeng agresibo ay babaeng naninigarilyo.
unti unti nakasanayan ko din ang mga gawain sa lungsod hanggang maging kaisa ako sa kanila ngunit sa isip ko syano pa din ako=)
asa tamang paglulugar lang ang pinakamahalagang natutunan ko, di naman pwedeng ang iba ang makibagay sayo, dapat ay ako ang makibagay sa iba lalo na kung ibat ibang aspeto ang tao ang kakasalamuhain ko.
be a chameleon to fit in different status of life=)
ako hindi ako laking probinsya, i dont settle for anything less than what I really want to do or to have.
kasi hirap din eh, settling for 2nd best di ka maka-move on
Sa pamumuhay mas pipiliin ko po talaga ang buhay ko sa probinsya pro sa lakas ng loob at antas ng pag iisip ang pagbabasehan mas pipiliin ko po ang mga laking syudad..IMO mas malakas ang loob at mas mataas ang antas ng pag-iisip ng mga laking syudad kesa laking probinsya, tama po ba?
^^ Antas ng pag-iisip? Depende pa rin sa estado kasi ng pamumuhay yan Bro. Merong mga promdi, na kahit naghihirap, nakukuha pang makapag-aral at makatapos ng kurso. Meron ding promdi, na may kaya, at mataas ang antas ng pamumuhay at kaisipan. May mga tao kasi, na basta't promdi, mangmang, laughing stock, kasambahay..........hindi po ganun.
Hindi pwedeng i-generalize kasi na porket "promdi", kulang ang antas ng pag-iisip ng isang tao.
Opinyon ko lang po ito.........![]()
Last edited by chua_riwap; March 27th, 2008 at 05:53 PM.
^^ OB, antas hindi antaas. Ano ba pinagsasabi mo? He-he! Basahin mo yung post ko at yung ni-reply-an ko.
sis po sir chua_riwap..
ang ibig ko pong sabihin sa antas ng pag iisip mas matalino, mas malawak ang pag iisip, mas may laman ang pagpapaliwanag.. Ang naging basehan ko po nito ay sarili ko, karamihan sa mga nakakasalamuha ko ngayun at sa mga nababasa kong mga paliwanag o pananaw po ninyo sa bawat sitwasyon o pangyayari sa buhay, politika at bagay bagay..
Laking probinsya rin po ako, iba't ibang tao na rin po ang aking nakasalamuha, pero kapag mga laking syudad na po ang nakakausap ko, bumibilib po ako kasi mas may diin at punto kung mag-isip at magsalita at confident po sa binibitawang salita.
malaki ang pagkakaiba, at kahit laking probinsya ka at maganda pagpapalaki sayo ng magulang mo, babaguhin ka talaga ng syudad, noong nasa probinsya ako, pag may matandang tumatawid, tinutulungan ko o ng mga probinsyanong nakakakita,, pag may matanda o babae sa dyip pinapaupo namin di baleng tumayo, magalang kami sa babae at matatanda, nung nag aral na ako sa maynila, nawala lahat yon, bakit kanyo? aba baka yung matandang tatawid eh raket lang at madukutan pa ako, o baka myembro ng sindikatong laglag barya yung babaeng papaupuin mo![]()