New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    53
    #1
    sa disiplina, pag uugali, pamumuhay, antas ng pag iisip, sa lahat ng bagay may kaibahan po ba ang laking syudad, probinsya o baryo?

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #2
    lahat yata e may kaibahan. kahit sa parehong laki sa syudad o baryo. tingin ko lahat ito e factor na malaki ay yung pagpapalaki ng magulang, at mga kaibigang nasamahan.

    lalo sa pamumuhay. di hamak na mas masuwerte ang namumuhay ng simple sa mga probinsya o baryo. if i would be given a chance. dun ako sa probinsya.
    Last edited by LexTer; March 24th, 2008 at 11:15 PM.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #3
    Pag laking baryo ang lalake at nanliligaw, siya ay nanghaharana gamit ang gitara, pag laking siyudad, dala niya auto niya (or ng tatay niya) at nagpapabayo ng Neyo sa harap ng bahay ng chick

  4. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #4
    depende kung umiinom sa poso

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #5
    ako umiinom sa poso, yun mga tiyuhin ko at mga pinsan hindi pero laki ako sa siyudad at laki sila sa probinsya

  6. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #6
    Depende sa nakalakihang paligid at nakasalamuha. Kung maige ang nakalakhan walang diprensya kung saang lupalop man lumaki. Kaya nga makikita mo sa pag-uugali kung saan siya lumaki eh…

    sabi pa nga ng mga auntie ko pag sumagot kami ng "o or oo" sa matanda.
    mga pinaglihi daw ba kami sa baka or baka kami

  7. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,059
    #7
    laking syudad man o probinsya para sa akin ay depende sa pag papalaki sa magulang at syempre may epekto din ng mga kabarkada implowensiya

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #8
    malaki ang kaibahan ng taong lumaki sa probinsiya at lumaki sa siyudad.

    mga promdi mas simpleng mamuhay

  9. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #9
    laking probinsya lalaki ang nanliligaw sa babae, laking siyudad babae ang nanliligaw sa lalaki.. kaya sa madaling salita mas gusto ko dito sa siyudad..

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    malaki ang kaibahan ng taong lumaki sa probinsiya at lumaki sa siyudad.

    mga promdi mas simpleng mamuhay
    Yep. That's true.

    Ako laking probinsiya po ako. Walang kaartehan sa pamumuhay. Kung ano ang nasa hapag kainan, pagtiisan mo. Almusal, "Blend Forty-rice", at swerte na kung may pandesal sa hapag. Madalas daing ulam namin noon, at gulay. Pero masaya na kami noon!

    Yung mga anak ko, na laki sa syudad, pag naiku-kwento ko yung buhay namin noon sa province, di sila makapaniwala........

    Tama yung sabi ng ibang Tsikoteers. Depende yan sa pagpapalaki mga magulang sa mga bata. At depende rin sa estado ng pamumuhay ng isang tao. Yun kasing mga ibang promdi, may kaya, kaya wala rin pinag-iba sa buhay ng mga taga siyudad.

Page 1 of 2 12 LastLast
Laking syudad, probinsya o baryo may kaibahan ba?