Nairereklamo ba ito? Kung nairereklamo, nagagawan ba ng aksyon?

Karaniwan, marami ito sa mga bagong aspaltadong daanan. Congrats sa mga kontraktor na ito na nag-aspalto at ang mga nagpasimuno para gumanda ang mga daanan natin, yun nga lang may nakalimutan yata silang gawin... ang ayusin ang mga manholes. May mga takip nga pero may malalaking butas na nagagawa kapag nagpatong ng aspalto. Kung 6 inches ang kapal ng aspalto, yun din ang lalim ng butas.

Kailan lang e, gaya ng sinasabi ni Bitoy ay "nayari" ako. Sa C5 papuntang Libis, after ng tulay sa Bagong Ilog, ay sa right portion ako nagdaan. Maganda naman ang daan pero di ko alam na may malalim palang manhole don. Di ko na ito naiwasan. Ang problema pa kasi ay madilim sa parteng yon kaya di ko na napansin. Nadaan ako don at "blag" na tunog na lang ang bumulaga sa akin. Ayun, may nadali sa kotse ko. Puno pa naman sasakyan ko nung oras na iyon. Alam ko sa suspension na ito. Eto, gastos na naman ako habang yung mga gumawa ng mga daanan na tulad nito ay nakangiti na lang cguro.

Pag di kayo familiar sa mga daanan na ito, ingat na lang sa pag-mamaneho lalo na sa gabi. Watch out for the lubaks...

C5 going to Libis, right side, after ng tulay sa Bagong Ilog. Gumitna na lang kaya kayo.

Ortigas Ext. along Rosario Pasig

P.Tuazon, QC papuntang N. Ndomingo, Balete. Naku, di tinatakpan ng maayos yung mga hinukay.

Yun lang, share ko lang experience ko. Medyo tinatamad sa trabaho.

By the way, yung sa Ortigas along Taytay, naayos na yung ganitong klase ng mga daanan. May government official sigurong nalubak. he he he