New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 21 to 40 of 52
  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    130
    #21
    good luck themann! may friend ako diyan sa new zealand. ayus naman daw, ilang months lang ng pagtrabaho may car na at nakakaipon na. mahilig din daw beer mga tao jan =)

  2. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    104
    #22
    mga pards, thanks pala sa mga warm thoughts niyo.

    target is april 19 ang flight pero dami pang aayusing. plan to sell my innova pa. baka one more week.

    will keep you posted on my life doon. family to follow end of the may. palamig na rin doon at winter na starting june.

    nakabuti may ukay ukay at dami winter clothes nabili. parang stockholder ako ng magarbo. 3 branches yata ang napuntahan ko.

  3. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #23
    Bro, my EOI has also been selected just recently. Gaano katagal aabutin ang process bago ma-approve application mo, inabot ka ba ng 1 year? Sa Bangkok interview right?

  4. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    104
    #24
    Quote Originally Posted by FullThrottle View Post
    Bro, my EOI has also been selected just recently. Gaano katagal aabutin ang process bago ma-approve application mo, inabot ka ba ng 1 year? Sa Bangkok interview right?
    approved eoi received last mar 07 but my interview tooked place feb 08. think yours will be earlier since they closed the bangkok office and moved to beijing during our time. phone interview na lang kaya tipid ka sa trip.

    you just applied online or you hired a consultancy firm?

    flight moved april 26 at dami pang ginagawa....

  5. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #25
    Actually ang nag-email sa akin is yung EOI Officer ng Bangkok office nila, baka lumipat lang sila ng building. Online lang ako nag-apply, on my own, hindi ko kasi kaya yung pagkamahal-mahal na sinisingil ng agency. Akala ko nga wala na e, last November ’07 pa kasi ako nag-apply, kaya nagulat talaga ako nung natanggap ko yung letter this week & yung email ng EOI officer. Kasi wala naman akong job offer sa NZ, wala rin akong kamag-anak dun, tsaka hindi naman in demand ang trabaho ko dun, nagbaka-sakali lang talaga ako.

    Meron pa naman akong pinagmumunihan na job offer sa Singapore, this week lang din ako inalok, nauna lang ng ilang araw sa NZ letter. Kaya nga deep inside I was actually hoping na 1 year ang isasagot mo kasi balak ko iwan ko muna family ko dito to work in Singapore, para maka-ipon sana tapos migrate New Zealand, ayun pala ang bilis lang ma-approve yung sa NZ. Wala pa naman akong kapera-pera. Hinanapan ka ba nila ng proof of savings?

  6. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #26
    Ooopps, teka muna, March 2007 ba ikamo? Sorry ha hindi ko binasa ng mabuti, akala ko March 2008, ayus meron pa kong time na mag-ipon.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #27
    Quote Originally Posted by FullThrottle View Post
    Actually ang nag-email sa akin is yung EOI Officer ng Bangkok office nila, baka lumipat lang sila ng building. Online lang ako nag-apply, on my own, hindi ko kasi kaya yung pagkamahal-mahal na sinisingil ng agency. Akala ko nga wala na e, last November ’07 pa kasi ako nag-apply, kaya nagulat talaga ako nung natanggap ko yung letter this week & yung email ng EOI officer. Kasi wala naman akong job offer sa NZ, wala rin akong kamag-anak dun, tsaka hindi naman in demand ang trabaho ko dun, nagbaka-sakali lang talaga ako.

    Meron pa naman akong pinagmumunihan na job offer sa Singapore, this week lang din ako inalok, nauna lang ng ilang araw sa NZ letter. Kaya nga deep inside I was actually hoping na 1 year ang isasagot mo kasi balak ko iwan ko muna family ko dito to work in Singapore, para maka-ipon sana tapos migrate New Zealand, ayun pala ang bilis lang ma-approve yung sa NZ. Wala pa naman akong kapera-pera. Hinanapan ka ba nila ng proof of savings?
    bro san ka nag-apply? pa-PM naman ng link. darating kasi ang bayaw ko galing wangarei, nz kaya lang wala na yatang balak bumalik dun siya lang kasing inaasahan kong tutulong sa akin para makapunta din ako.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    3,358
    #28
    good luck po sir themann .. always trust in god ..

  9. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #29
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    bro san ka nag-apply? pa-PM naman ng link. darating kasi ang bayaw ko galing wangarei, nz kaya lang wala na yatang balak bumalik dun siya lang kasing inaasahan kong tutulong sa akin para makapunta din ako.


    Bro, punta ka sa website http://www.immigration.govt.nz tapos apply ka ng Expression of Interest (EOI). Around P13,500 ang sisingilin sa yo for the expression of interest application (online lahat yun), ako syempre credit card ginamit ko pambayad he he. Kung citizen yung utol mo, mas malaki chances mo na ma-approve EOI mo.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #30
    Quote Originally Posted by FullThrottle View Post
    Bro, punta ka sa website http://www.immigration.govt.nz tapos apply ka ng Expression of Interest (EOI). Around P13,500 ang sisingilin sa yo for the expression of interest application (online lahat yun), ako syempre credit card ginamit ko pambayad he he. Kung citizen yung utol mo, mas malaki chances mo na ma-approve EOI mo.
    thanks sa info bro

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #31
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    bro san ka nag-apply? pa-PM naman ng link. darating kasi ang bayaw ko galing wangarei, nz kaya lang wala na yatang balak bumalik dun siya lang kasing inaasahan kong tutulong sa akin para makapunta din ako.

    Good luck themann!

    Syur,- bakit bro.,- ayaw mo na sa Pinas?

    5808:bee:


  12. Join Date
    Apr 2008
    Posts
    3
    #32
    Good luck to you. Bago lang ako rito sa forum at may gusto akong itanong sayo. Anong application ang inaplayan mo? Under Skilled Migrant ba?
    Please enlighten me regarding my concern. Which is better... online application or thru consultancy. We received rate quote from the consultancy amounting to NZ$3800 excluding embassy's expenses. Is this reasonable? Aside from the EOI US$400 and Migrant Levy of US$300/person. Anu-ano na ba ang binayaran mo? Hinanapan ka ba ng proof of savings? Magkano? Ano nga palang category ang inaplayan mo? Kasama mo ba ang family mo?
    What's the best thing to do or what kind of application should we apply for if we didn't qualify under skilled migrant category (wala kasi dun sa list nila ung work naming mag-asawa) in order to successfully migrate to New Zealand? Kagaya mo rin kami na walang relative dun, wlang job offer at hindi in demand ung work namin.
    We would greatly appreciate your opinion and comment. Thank you so much

    Quote Originally Posted by FullThrottle View Post
    Actually ang nag-email sa akin is yung EOI Officer ng Bangkok office nila, baka lumipat lang sila ng building. Online lang ako nag-apply, on my own, hindi ko kasi kaya yung pagkamahal-mahal na sinisingil ng agency. Akala ko nga wala na e, last November ’07 pa kasi ako nag-apply, kaya nagulat talaga ako nung natanggap ko yung letter this week & yung email ng EOI officer. Kasi wala naman akong job offer sa NZ, wala rin akong kamag-anak dun, tsaka hindi naman in demand ang trabaho ko dun, nagbaka-sakali lang talaga ako.

    Meron pa naman akong pinagmumunihan na job offer sa Singapore, this week lang din ako inalok, nauna lang ng ilang araw sa NZ letter. Kaya nga deep inside I was actually hoping na 1 year ang isasagot mo kasi balak ko iwan ko muna family ko dito to work in Singapore, para maka-ipon sana tapos migrate New Zealand, ayun pala ang bilis lang ma-approve yung sa NZ. Wala pa naman akong kapera-pera. Hinanapan ka ba nila ng proof of savings?

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #33
    good luck chief! wag mo kami kalimutan dito sa tsikot :bye2:

  14. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #34
    Quote Originally Posted by Brainy View Post
    Good luck to you. Bago lang ako rito sa forum at may gusto akong itanong sayo. Anong application ang inaplayan mo? Under Skilled Migrant ba?
    Please enlighten me regarding my concern. Which is better... online application or thru consultancy. We received rate quote from the consultancy amounting to NZ$3800 excluding embassy's expenses. Is this reasonable? Aside from the EOI US$400 and Migrant Levy of US$300/person. Anu-ano na ba ang binayaran mo? Hinanapan ka ba ng proof of savings? Magkano? Ano nga palang category ang inaplayan mo? Kasama mo ba ang family mo?
    What's the best thing to do or what kind of application should we apply for if we didn't qualify under skilled migrant category (wala kasi dun sa list nila ung work naming mag-asawa) in order to successfully migrate to New Zealand? Kagaya mo rin kami na walang relative dun, wlang job offer at hindi in demand ung work namin.
    We would greatly appreciate your opinion and comment. Thank you so much


    Hi Brainy. Under Skilled Migrant yung inaplayan ko. Kung tutuusin, hindi rin ako qualified, kasi 125 lang ang points ko e. Matigas lang talaga ulo ko (he he) sinabi ko na lang sa sarili ko na hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Nag-risk lang talaga ako. 140 points ang selected automatically, pero from time-to-time pag hindi na-meet yung quota nila, dun lang nila pinapansin yung mga EOI na merong lower points. Yun yung inabangan ko, nag-apply ako last November 2007 tapos after 5 months ayun na-select din (gulat nga ako e). Yung mga nakaka-140 points either may trabaho na sa New Zealand, merong job offer dun, may kamag-anak dun, or nasa Skill Shortage List nila. Wala ako dun sa lahat ng nabanggit ko. Wala din akong $3,800 na hinihingi ng agency (malamang iisa lang agency pinag-uusapan natin). Nagbakasakali lang talaga ako. P13,500 lang ang binayaran ko dun sa on-line application. If I were you, apply ka na lang din online, yun din naman ang gagawin ng agency e. Ang gagawin lang naman nila apart from that is to coach you sa interview, so yung P100K+ na ibabayad natin dun e pang-start up na lang natin sa New Zealand. And nga pala pag na-grant ka na ng residence sa NZ, automatic na din na pwede mo nang isama immediate family mo (asawa and anak) as long as they also meet NZ’s health, character & English language requirements. Regarding English reqts., pag degree holder kayong mag-asawa, mas swak yun dito. Narinig ko rin na mas gusto nila pag pamilya ang nag-apply (yung meron nang anak), siguro kasi masyadong maliit ang population nila kaya gusto nilang magpadami (magaling ang Pinoy dun he he) & hindi nila nami-meet yung labor demands ng bansa nila.

    Ang mga tanong pa lang nila ngayon via email is tungkol sa mga past work experiences ko. About the proof of savings, hindi pa naman ako hinahanapan. Wala rin ako nun kung hanapan man nila ako ngayon (he he mahirap lang tayo e, kaya nga mag-aabroad e), baka diskartehan ko na lang pag naghanap na sila. Anyway based dun sa na-mention ni themann, I have several months to save pa.

    Ewan ko lang si themann (na malamang nasa NZ na ngayon) kung hinanapan pa siya ng proof of savings. Bro themann, can you enlighten us please?

  15. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #35
    may NZ embassy pala dito http://www.via.ph/via-NewZealand/index.html

    nasa NZ embassy ngayon bayaw ko pwede na daw siyang mag sponsor one week processing lang makakaalis na si misis at yung isang bayaw ko
    Last edited by Syuryuken; April 29th, 2008 at 12:55 PM.

  16. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    104
    #36
    1. did not any more present funds /bank certificate on my way here. during the interview ito tinatanong yata. hiram ka lang muna ng pera sa mga kapatid mo para naka pangalan sa iyo. after approval ng visa mo isoli mo uli. ako naka passbook sa maybank dollar account iwan namin ito kaya isosoli ko na kay utol.
    2. as for the visa office in pasay road (not in main nz embassy at bpi center near buendia makati ave.) for tourist lang yata ito. went there so that my mother could come with my family on may 31. you will not touch base with them when you are applying for skilled immigrants
    3. arrived here april 26 at dami ko pang tinatapos sa office and sa bahay. kayod lang mag apply on line. check ko rin ang local papers at minsan may opening.
    4. just GOOGLE NEW ZEALAND IMMIGRATION at doon kayo tumigin. so user friendly ito. diskarte lang mga tsong para praktis dito. no need to ask the link. then check niyo skilled immigrant. may pdf file i print niyo. basically info kit ito on how to go abount applying.

    ganda ng weather dito at walang alikabok. dito lugi car wash. mura kotse at import from japan ang kadalasang sourc. ang average model ng kotse dito ay around 99 -02. super mura kasi kaya you could buy a decent ride for Php 100k lang. populated na at dami na rin gimmick. kaya iyong nag sabi walang kabuhay buhay dito, wrong sila.....

  17. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #37
    sali din ako dyan mga bro!

    buti pa yun iba may kamag anak.

    apply din ako masubukan nga

    update kayo pre sa mga buhay nyo dyan ah kasi madalas basta nakarating na dyan wala ng update para alam namin kng wat to expect.


    buti pa dyan 100k decent ride na eh d2 ewan ko nlng kng maiuwi mo pa yun oto na 100k mo nabili



    Last edited by boydapa; April 30th, 2008 at 09:39 AM.

  18. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #38
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    may NZ embassy pala dito http://www.via.ph/via-NewZealand/index.html

    nasa NZ embassy ngayon bayaw ko pwede na daw siyang mag sponsor one week processing lang makakaalis na si misis at yung isang bayaw ko
    correction:

    yung one week processing for tourist lang


  19. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #39
    Congrats for making it, at New Zealand pa. Lots of well wishes on your new life.

    Diyan ka magsasawa sa mga tupa -- at sa mga anak ng tupa.

  20. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    734
    #40
    matanong lng... gaya din ba sa pinas dyan yun mga business owners na lumagpas ka lng ng 30 eh overage ka na magtrabaho?

    dito kasi satin eh lalo na yun mga chinese may ari sila nagpauso nyan na MUST be 21 yrs old and below with minimum 10 years solid experience in sales... yun bng mga ganung ek ek

    ????

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
migrating to new zealand  (wish me luck)