New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 11 to 20 of 45
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    536
    #11
    Sino ba talaga ang nag popondo sa mga ito? yung mg placards, banners, posters nila and the likes e mahal din magpagawa ng mga ganito. At, yang mga tulad nila Nathaniel Santiago etal. wala bang mga trabaho yang mga iyan at puro rally na lang inaatupag nga mga iyan? Ano ang mga ikinabubuhay ng mga iyan? Just wondering

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #12
    Source ng Funds:

    1. pork barrel ng mga leftist na congressman (not by vote, marginalized sector of the society). Kaya si Satur, ng kuhanan ng reaction sa adhikain ni Lacson na alisin na ang pork barrel, aba eh, umalma.

    2. sa mga bus companies, lalo na ang mga provincial trips. Inamin ito mismo ni Ka Roger kay Claire dela Fuente. Explanation pa nya, sila din ay gobyerno din (revolutionary nga lang in nature) at may karapatan ding mangolekta ng taxes, para maisulong ang kanilang propaganda..

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #13
    Dagdag ko lang, kaninang umaga, sa radio program ni Maceda, ay guest nya si Sen Biazon, nagbiruan ang pa nga sila na may mga US visa din ang mga ito, at kadalasan doon muna nagpapahinga pag mainit sila dito.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #14
    Maganda pong discussion ito....I was once like them....somehow I learned and saw the light - that's its better to become a Capitalist...he, he, he

    Kidding aside, medyo may sense ang ilang pinaglalaban nila (depende na sa panahon o dekada ang usapin).....kung martial law time...mahirap maunawaan ng mga bata ngayon kung ano ito at sino ang tama o sino ang mali....

    Kung panahon ngayon ang usapin....maraming hokus-pokus....ako mismo nalilito kung sino ang tama o mali.

    Isa lang po ang guiding principle ko...."depende kung ano ang alam mong tama o katotohanan"....minsan nga lang ang tama o katotohanan para sa iyo ay mali sa paningin ng ibang tao.....kaya meron pagkakaiba.

    Boring na ito kung itutuloy ko....

    Kung saan sila kumukuha ng pondo ba ang tanong ninyo?....marami po....kasama na ang mga pork barrel ng ilang kagrupo nila sa politika....meron din galing sa kalaban na 'ika nga namin ay yung nagpaparingas ng "apoy" o mga nangagatong na politiko....meron din sa abroad (netherlands, etc)....meron din sa mga CBA agreements ng iba't ibang labor groups....meron din sa kotong (revolutionary taxes)....meron din sa gobyerno mismo (naipaparaan thru legal NGO's etc)....merong mga legal means.....maraming illegal means. Kung malalaman niyo lang ng husto ang "salimuot" ng network nito....magugulat po kayo....para itong isang malaking conglomerate ng isang Capitalista.

    Kaya nga ako nagbago na ng pananaw e...... isa na akong Capitalista ngayon.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    400
    #15
    If you think about things, the very essence of what these leftists are fighting for is a dead cause. Most of them want a socialist regime, but a socialist regime stifles the people and stagnates a country... essentially killing it off slowly.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #16
    As OTEP says - can these people offer a better solution? Socialism? Fascism? Communism?

    Actually, I went to UP in the mid 90's, and I truly believe that most of the 'leftists' there were students whose youthful idealism was being taken advantage of by Communist agendas.

  7. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    451
    #17
    nonie, thank you for starting this topic. Sang-ayon ako at isa sa mga nanggigigil tuwing makikita ko ang mga kupal na ito sa TV with yet another issue to protest about.

    Bottomline, the difficult thing about being in power is realizing that you can't please everyone. That's why effort is exerted to PLEASE THE MAJORITY. Mga letse namang ito, laging pinapalabas na api sila, kaya ayun, laging nasa kalsada imbes na nag-aaral o naghahanap-buhay. Yan tuloy, bumobobo at ginugutom!

    "The world DOES NOT owe you a living."

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #18
    kaya sila puro "anti", kasi antay lang sila ng antay, na may g...ong nagbibigay ng pera sa kanila na maggulo. dudes minsan watch kayo ng protest nila agaist the Americans and carefully look at their clothes...look at the brands panay US brand ang mga suot ng mga ito tapos anti-US sila :lol: and listen to how they explain things...none sense madalas, or paikot-ikot lang mga pinagsasabi. ang kaya lang naman nila utuin ay yung mga di natapos magaral.

    ano kaya pag nag rally sila ulit may mag tanong na reporter sa kanila ng ganit: " Naiisip nyo ba ang mga taong pineperwisyo ng rali nyo? na tratrapik, nalate sa trabaho(baka masesante pa), sayang ang gasolina dahil sa trapik na gawa nyo. tapos yung mga kalat nyo tuwing rali, iihi kung saan-saan. puro kayo reklamo pero wala naman din ginagawa. all words no action din naman."

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    71
    #19
    E kahit na anong prinsipyo basta kalaban US kakampihan ng mga ito. If the Earth were to be invaded by hostile aliens siguro kakampihan pa nila mga aliens e.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    79
    #20
    ang problema din kasi ay ang Media sa atin esp yung abs-cbn....binibigyan nila ng pansin ang mga ogags na ito....may ininterview nga na student(claiming to be) na kaya daw sya sumali sa rally ay dahil nasa Riyadh daw tatay nya at baka mapahamak.....Kung ako ang ama nito ay magugulpi ko yan dahil kaya nga nasa abroad para sya mag-aral then sama pa sya sa mga kagaguhan....:evil:

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Mga leftist anti-war militants......mga ogags!