New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 62
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #1
    Dear All,

    With the recent developments that besiege the country, I can’t help but
    agree with 90% of this mail I received, especially in the context that
    “qualified voters in this country should have been the ‘paying’ taxpayers’
    themselves”, not the noisy ones who never helped made this country alive.

    Doods

    Here it is: Please read this in its entirety, the author has a point!


    Galing sa isang ordinaryong manggawa sa Pilipinas
    -------------------------------------------------

    Walang kwenta ang Pilipinas

    By: jawbreaker. (isang ordinaryongg office worker na ayaw nang magbayad ng
    tax...ever!)

    Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan
    ng *** at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawatisa, walang tigil
    na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong
    resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga
    partido, patuloy na pagdami ng tamad at
    tangang Pilipino, SILANG patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala
    namang
    silbi.

    SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS,
    MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN
    NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG! TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX
    EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI
    NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!!

    Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang
    masa! Mahalin ang masa!

    MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

    SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA BANSANG TO?

    SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG
    PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NILA?

    KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS
    NA - KAMI ANG BUMUBUHAY SA BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

    BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA
    PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX cla???!!!!

    KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI
    NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

    PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

    LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INI-INTINDI NG GOBYERNO.

    KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

    KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION,
    SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

    SILA LAGI ANG BIDA.

    KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG
    NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN
    ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

    Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong
    maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang
    sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

    Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko
    at ang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa
    Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na
    tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop
    sa halangang P20.

    Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh
    di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
    Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng
    sarili kong bahay.

    Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na
    mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget
    ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars
    pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang
    sumasakay!

    PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

    Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing
    ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga
    manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap! , kung
    umasta kala mo inaapi sila ng sobra.

    SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

    At karamihan pa eh mga mandurukot at holdaper. Piniperwisyo ang mga tax payers na matitino.


    Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan.
    Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.
    Eh mas madali nga naman magnakaw, mangholdap at mang snatch kesa magkargador sa pier.


    TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

    LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

    Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na
    nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas.
    Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao,
    pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

    YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO
    SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

    Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya
    nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang,
    nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa
    rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin,
    gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!

    Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung
    ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila
    ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

    EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

    MGA HIPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

    WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO
    MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

    PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG
    GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

    ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD
    NG BUWIS. ANG KAKAPAL! NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA
    PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN
    NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

    KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE
    MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA
    BALASUBAS KASI.

    Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

    Alisin ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang
    lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya
    i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang
    mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila
    at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider
    na walang political ties at
    utang na loob sa kahit sino.

    At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

    Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang.
    Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero
    hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron
    daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para
    dito.

    Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang
    Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

    Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon
    na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak. Yung mga
    magagaling na Pilipino, ma! lamang maubos na. Sobra na kasi silang
    na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

    Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron
    ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga
    taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito
    sya mabubuhay.

    Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit
    kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero
    pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa
    bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng
    tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas.
    Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.

    Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God
    bless! Sana tama kayo at mali ako.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #2
    Walang kwenta ang Pilipinas

    By: jawbreaker. (isang ordinaryongg office worker na ayaw nang magbayad ng
    tax...ever!)
    di ko na binasa ang haba eh...pero ito lang napansin ko...kung ganyan talaga ang pag iisip nya eh talagang walang mangyayari para sa kanya dito sa Pinas...
    (saka ko lang sasabihin iyan kapag panay artista na ang nasa pulitika dito sa Pinas)

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    787
    #3
    i can't help but agree that only tax payers should be allowed to vote.

  4. FrankDrebin Guest
    #4
    Hindi naman sa ganon boss Chieffy. Nawawalan lang ng pagasa yung author.

  5. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    594
    #5
    Nakaka badtrip talaga yun ganyang nagbabayad ka ng tax wala ka naman makitang kapakinabangan sa binabayad mo. Ok lang magbayad kung may serbisyo. Hope our predicament will end soon in our time.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #6
    Quote Originally Posted by FrankDrebin
    Hindi naman sa ganon boss Chieffy. Nawawalan lang ng pagasa yung author.
    Yan and dapat na hindi tayo mawalan.

  7. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,384
    #7
    Quote Originally Posted by chieffy
    di ko na binasa ang haba eh...pero ito lang napansin ko...kung ganyan talaga ang pag iisip nya eh talagang walang mangyayari para sa kanya dito sa Pinas..:
    .. actually .. it's not about not paying taxes .. it's about how taxpayers should be more recognized by the government ..

  8. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    1,704
    #8
    yup, every payday, i see 30 to 35% of my paycheck go to withholding tax. I am on a very strict budget, kasi ang laki ng kinuuha ng gobyerno. and here i see all our politicians in their fancy cars and SUVs. i had to give up my V8 truck for a sedan because of the cost of fuel and maintennance, so i know exactly how much those guys need to support those fancy vehicles. and i know they are not getting it from their salaries, because on paper, i make a lot more than they do. but they have to get the money somewhere, and it is from the taxes that i pay.

    di pa dumadating ang pangbili ko ng gatas para sa anak ko, the government has already taken its share. Can you imagine that?

    i drove to davao two weeks ago and ran right into a huge pothole in the concrete road. i blew 2 tires. that's going to cost me about p6000 because the money i pay in taxes does not go to fixing roads, it goes into the pockets of the corrupt government that is in office

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    509
    #9
    isinama na din dyan yung kuryenteng ninanakaw at tinatamasa ng mga squatters, legitimate customers ang nagbabayad (un ata yung system loss sa meralco bill e).

    anyway, its a good idea. but if only taxpayers are allowed to vote, then enter ang mga human rights & other groups who would say voting is a basic right of every filipino citizen, whether poor, rich, etc. so its gonna be another round of endless talks & debates. when is this gonna end???

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #10
    Yung tax ko equivalent ng 2 days na sweldo ko, sayang lang hehehe

Page 1 of 7 12345 ... LastLast
[Merged:] Masa na lang ba, paano tayo? Galing sa isang ordinaryong manggawa...