try mo yung driving school ni Vip Isada, yung Roadwise motoring school ba yon? reknowned professional driver si Mr. Isada, ewan lang kung magkano fees nila.

ako sa E-wan, err, A1 driving school or yung affiliate driving school ata nila yon. Dun ako nag -"formal" training. 5 days driving lessons lang kinuha ko. pero puro pang-gugulang lang tinuro sakin ng mga mokong. like pano di masingitan, pano mag hog ng opposite lane para maka -overtake at kung ano ano pa. ang matino lang yata na tinuro sa kin e yung proper backing-up ng kotse.

kung si master OTEP, sa MB1000 nahasa ang driving skills, ako naman, sa Willy's honer type ng tatay ko. pag namaneho mo yon, SISIW na magmaheno ng kahit anong kotse, van or SUV pa. try driving a jeep in a cramped sitting position, super tigas ng brakes, super tigas din ng driver's seat, super sensitive naman ng accelerator, ang hirap kapain ng clutch, malikot ang steering, tapos minsan, not all the brakes are working! one time nga, di ko alam, isang brake na lang pala gumagana kaya pala kumakabig yung jeep.

pero I agree with the other guys. no matter what kind of driving training you get, the best defensive driving skill is your patience. kung wala kang pasensya wala rin.