Mga high school students mula sa mahihirap na pamilya ang bumandera sa idinaos na National Career Assessment Examination (NCEA) noong Enero 17 ng taong kasalukuyan.
Ito ay ayon sa inilabas na resulta ng NCEA ng National Education Testing and Research Research Center (NETRC) ng Department of Education (DepEd) kahapon.
"The NCEA results revealed that 22,267 students who belong to families with annual income below P150,000, the current po-verty threshold, are among the highest performers with very high to excellent scores (98-99+ percentile ranks)," ayon kay NETRC Director Nelia Benito.
Tunay umanong nakakasorpresa na ang mahi-hirap na pamilya o nasa lebel na mas mababa pa nga sa poverty threshold ay nanguna sa pagsusulit gayong napakalimitado ng kanilang resoures sa larangan ng mga tu-long o suportang pang-edu-kasyon gaya ng access sa computer at internet na malaking bentahe ng mga maykayang pamilya.
Sa kabuuang 1.8 mil-yong mag-aaral sa sekondarya ay 1.3 milyon lamang ang aktuwal na kumuha ng naturang pagsusulit at sa bilang na ito, ang 33,444 estudyanteng namayagpag at nakuha ng markang "high to excellent", partikular sa Tech-Voc (technical-vocational) test ay pawang galing sa mahihirap na pamilya.
Sinabi pa ni Benito na ibibigay sa lahat ng nag-eksamin na estudyante ang kanilang ‘certificate of rating’, "And this will give the student an accurate measure of his potential for college, technical and vocational school, or entrepreneurship."