grabe kagabi sa landers otis!!!! Mga past 9pm na ako pumunta kaso super duper ang paikot na pilaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! So ang ginawa ko eh nagpatingin-tingin kung ano yung pwede ko bilhin tapos lagay sa cart. Natapos ako ng 11pm eh nasa dulo pa din.

Pinatago ko sa staff yung cart ko at bumalik after an hour. Nasa gitna pa din pero tolerable na. Pero hindi ko talaga feel pumila eh. So ikot ulit kung ano ok pa bilhin na maganda discount. Nung nakita ko ubos na talaga cart sa pila ayun punta ako na ako cashier.

Ewan ko ba ayoko yung pila tapos maririnig mo usapan na katabi.

Ang isa pa nabwisit ako muntik talaga ako mapamura may makakapal mukha nagpicnic sa loob ng landers nakaupo talaga paikot doon sa isang area though hindi gaano dinadanan kasi puro pang kitchen. Ang malupit sa ginawa eh kumuha ng frying pan at doon nilagay yung fries at pika-pika sila parang nasa bahay lang mga gaga. Ito si security guard hindi man lang sinita. Pag pasok naman ng cart ko eh tumabi sila pero still di ba. Yung pagkabarriotic sana wag paabutin sa lugar na hindi dapat.

Pero im happy sa mga nabili ko. Organic crystallized ginger.