Malaysia Airlines: Walang Pinoy sa nawawalang eroplano
By dzmm.com.ph | 12:29 PM 03/08/2014
Share on facebookShare on emailShare on twitterShare on printShare on gmailShare on stumbleuponMore Sharing Services
image
"Pinawi ng Malaysia Airlines ang pangamba na posibleng may nadamay na ilang Pilipino sa nawawala nitong eroplano."
Pinawi ng Malaysia Airlines ang pangamba na posibleng may nadamay na ilang Pilipino sa nawawala nitong eroplano.
Sa isang press conference ng airlines, sinabi nitong walang Pinoy na pasahero o crew sa nawawalang Boeing 777-200 aircraft flight MH370.
Binanggit din ng Malaysia Airlines na bukod sa ilang taga-Malaysia, kabilang sa iba't ibang 13 foreign nationality na sakay ng eroplano ay mula China, Indonesia, Australia, France, United States of America, New Zealand, Ukraine, Canada, Russia, Italy, Taiwan, Netherlands at Austria.
Narito ang tala ng mga pasahero ng nawawalang eroplano ayon sa Malaysia Airlines:
China - 152 at 1 sanggol
Malaysia - 38
Indonesia - 12
Australia - 7
France - 3
United States of America - 3 at 1 sanggol
New Zealand - 2
Ukraine - 2
Canada - 2
Russia - 1
Italy - 1
Taiwan - 1
Netherlands - 1
Austria - 1
239 ang sakay ng eroplano na kinabibilangan ng 227 pasahero at 12 crew.
Sinasabing nawalan ng contact ang flight MH370 sa bahagi ng Vietnam, Sabado ng umaga.
Umalis ng Kuala Lumpur ang Boeing 777-200 aircraft flight alas-12:41 ng madaling araw at inaasahan sanang dumating ng Beijing ng alas-6:30 ng umaga.
Source:
DZMM Radyo Patrol 630 - Silveradyo