Usually kung bibili ka sa mga developer ng house eh pag sinabi mong "low cost" ay malaki ang posibilidad na gumamit sila ng mga sub-standard na mga bakal, semento at mga pako. Pati na rin sa pagdesign nila eh tinitidnan nila kung saan sila makakatipid. Kung tapos na yung bahay na binebenta nila at yun ang makikita mo ay hindi mo mapapansin na maliliit yung mga poste at bakal na ginamit. Noong ako ay naghahanap ng bahay na mabibili sa mga subdivision eh yan ang mga tinididnan ko ng mabuti, lahat ng napuntahan ko eh ang liliit ng poste at yung mga bakal na ginamit, considering na 2 storey yung house.
Halos lahat ng house shopper eh sa itsura nagcoconcentrate, laging naneneglect yung tibay ng structure.