1. stopping and blocking intersections. pag traffic way nila damay-damay na lahat
  2. busina agad as soon as mag green stop light. wala na karapatan mag kambyo yun nasa harap
  3. takot mag bukas ng park lights/headlights. akala nila Meralco at nagtitipid sa kuryente.
  4. pag meron baha mga PUVs (jeeps, taxis, buses) lalo pang bibilisan instead na dahan dahan.
  5. ayaw mag pasingit, kahit naka signal na...parang naiputan sa ulo pag nasingitan.
  6. kung saan nasiraan, doon na gagawin especially for PUVs hinde man lang itabi sa gilid.
  7. gamit ng gamit ng hazard lights pag malakas ang ulan. mas nakakalito.
  8. hinde marunong sumunod ng "right of way".
  9. pagbabad sa overtaking o fast lanes, kahit na mas mabilis pa yung mga nasa normal lanes
  10. sobrang pagtutok sa kotse sa harap, kahit mabilis ang patakbo
  11. pagbwakaw sa dalawang lane, lalo na yung mga sorang bagal magpatakbo
  12. biglaang paglipat ng lane na walang signal, kahit na halos katapat lang yung katabing kotse
  13. biglaang pagliko kahit nasa gitna na ng intersection
  14. paghinto at pag-load o unload kahit sa mga alanganin na lugar; mas masama, sa mga no loading/unloading zones
  15. pakikipagunahan sa intersection, kahit may sasakyan na lumiliko o tumatawid na nasa gitna na
  16. pagdouble park at iiwanan naka-on ang hazard lights sa masikip na kalsada para bumaba at bumili sa tindahan