Nung binabasa ko ang thread tungkol sa ROTC napaisip ako. IMHO, ang problema po natin sa bansa ay naging "selfish" na po tayo. Baka iniisip lang natin ang sarili natin? O baka mali po ako. Pero parang mas important sa atin ang personal comforts instead of sacrifice for a national good. Is that the case?

Mahilig po tayo manlait at manira. Pero tayo po ba ay mismong tumutulong para sa kinabubutihan nito. Sinasabi natin na mabuti tayong tao na di lumalabag sa batas. Pero sumusunod ba tayo sa mga traffic rules to the letter? No running of red lights? No paying off cops to avoid the hassle of a seminar?

Parang naging society tayo ng mga nakakalamang. Using money to bypass things.

At dahil dun di tayo magpapalamang din. So if our country should need us to perform the highest sacrifice would we be ready to do so?

(rememeber the line in the anthem..."ang mamatay ng dahil sa 'yo.")

This is an honest question and honesty is the best policy.

Kasi kung hindi tayo handa para mamatay para sa Pilipinas, 'wag na lang natin kakantahin ang pambansang awit. Medyo hypokrito tayo pag kinanta natin yun pero wala naman tayong balak sundin. Parang yung mag sisimba at mangungumpisal pero gagawin ulit ang kasalanan.