may nabili ako LG TV sa SM bacoor Sm appliance center ung pinaka latest ng LG 2017 ,43 inches ..

30k ang presyo cash..

after ng 1 week ok pa siya.nung 2nd week na sa panonood lang ng movies bigla nalang nag auto reboot.ni report ko na sa SM bacoor kung saan binile..ang sabi hintayin daw namin ung technician sa bahay para servisan..pero mukang luge yata ako dahil sa wala pa nga 1 month eh may sira na..

ano ba dapat kong gawin hintayin pa si technician sa bahay.or ibalik ko na agad dun sa SM bacoor kung saan ko binile.para dun ako mag reklamo dahil may sira ung nakuha ko..

kung sakali dumating si technician sa bahay.dapat ba akong pumayag na kuhanin ung TV para dalin sa service center.
or dapat akong mag matigas na dapat nilang palitan ng ibang unit dahil sa brand new ung binili namin.

ano ba maganda advice medyo malaki laki din kasi ung 30K cash.na binayaran tapos after 2week palang sira na at dapat pa kaming mag hintay ng technician..