New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 13 FirstFirst 12345612 ... LastLast
Results 11 to 20 of 126
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    526
    #11
    Naglalaro ka pa ng mataya taya at kung ano ano pa. Pinapanood ko noon voltron, voltes v, transformers, gi joe, ghostbusters. etc.

    Kapag dadaan ka ng SLEX ang card na ibibigay sa iyo ng teller ay masmalaki pa sa tseke. At ang toll noon mula nichols hangang alabang ay 2.50.

    Since 80s ang pinaguusapan share ko lang kung ano ang itsura ng lugar namin noon.

    Sa alabang area.

    Wala pang filinvest at wala pang festival mall ang lugar ng filinvest ay damuhan at doon nilalagay ang mga baka para kumain ng damo.

    Ang Alabang town center ngayon noong 80s ang original na pangalan ay Ayala Twin Cinema. Dalawa lang ang sinehan at ang kainan ay pancake house at magnolia icecream restaurant. Ang katabi ng ayala twin ay national bookstore at south supermarket.

    At ang fastfood chain na hangang ngayon ay nandun pa rin ay mcdonalds.

    Sa Las pinas area.

    Madilim ang alabang zapote road nakakatakot dumaan kapag gabi. Dito ang taponan ng mga patay. wala pang sm southmall ang original na nakatayo doon ay gm motors ata.

    Ang mall ata noon ay rfc. Ngayon nabubulok na sa kalumaan.

    At noong 80s kapag sumpait na ng 9:00pm parang late na late na. Naalala ko pa noon ang world tonight ata 10:30pm.

    Ngayon kahit 12:00am marami pa rin tao sa labas.

    Iba na talaga ang panahon ngayon.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    299
    #12
    unang salta ko sa maynila nuon .65cents minimum pamasahe sa dyip papunta recto. Lahat ng taga probinsya na magkokolehiyo sa maynila sa recto ang bagsak kaya ang sigla-sigla ng recto nuon. sino naka pasok sa GALA theatre?? sa Dakota?? hehe

  3. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #13
    Hehe. One of my few persistent 80s practices (other than -mixed-songs) is to wear top siders/top sider style mocs. Hanggang ngayon madalas ko pa din isuot at yung isang pair ko nga mga 1989 ko pa nabili.Akala ko weird ako, tapos nakakita ako ng 5 kaklase sa isang lamay -- isang tao lang ang hindi naka sperry/mocs/loafers. hahaha.

  4. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    12,347
    #14
    Quote Originally Posted by usokpower View Post
    Sa Las pinas area.

    Madilim ang alabang zapote road nakakatakot dumaan kapag gabi. Dito ang taponan ng mga patay. wala pang sm southmall ang original na nakatayo doon ay gm motors ata.

    Ang mall ata noon ay rfc. Ngayon nabubulok na sa kalumaan.

    At noong 80s kapag sumpait na ng 9:00pm parang late na late na. Naalala ko pa noon ang world tonight ata 10:30pm.

    Ngayon kahit 12:00am marami pa rin tao sa labas.

    Iba na talaga ang panahon ngayon.
    I think I'm reading your post correctly.... Alabang-Zapote Road was only 2 lanes at the time. There were no malls to speak of. There was RFC Supermarket by Dona Manuela Subdivision (where I lived). Later, Fernando's in front of Philamlife Village was built which made 2 supermarkets within walking distance for us.

    Alabang-Zapote Road may have been dark. But it was quite safe. I used to ride my 10-speed home along that route. Be it coming from BF Homes International or Moonwalk Village, I had no scary incidents. There were poor folks at Talon. But, that didn't mean they were bad. In fact, I had friends there.

    There was a curfew in effect. But, it rarely extended inside the subdivisions. We'd walk very late at night without fear of being assaulted or robbed. In fact, when my wife's female cousins visited and stayed for a year, we'd often walk back and forth between our house and the house they're renting even past midnight. They were in their early teens at the time and their appearance was quite striking (they're practically caucasian) even at a young age. But, they didn't have any incidents either. Maybe it's not so safe now, maybe. But back then, it was very safe.

    The big thing was Manuela Cinema along with a Shakeys at one wing of the building.

    Another thing I remember is when the current mayor (Aguilar) first moved there. He was quiet. He was skinny (with skinny chicken legs ) and very light complexioned. I remember thinking maybe he's related to Freddie Webb at first because he looked like that basketball player.

    I also remember pre-mayor Aguilar as being fond of cockfighting and that he kept a bunch of roosters in his backyard. Come 4 am sharp, they all go off. No need for a clock.

    He also had a bunch of laborers. I was one of the few "rich" kids who were friendly with them. I played half-court basketball with them on several occasions. I recall enjoying their roughhouse style of play. I got my share of bumps and bruises. But, I gave as good as I got. There used to be a car parts store (next to the eskinita) across Fernando's and had a basketball goal. Once the store closed, the store employees, the mayor's laborers, and I would play 5 vs 5 at the parking lot. We lost a few basketballs when they rolled out into the traffic of the Alabang-Zapote Road.

    Of course, soccer is still my first love. I remember practicing/playing scrimmage with several Iranian students at the Philamlife Village park. They taught me a few things which improved my play.

    Such a fun time back then, the early 80's.
    Last edited by Jun aka Pekto; August 11th, 2007 at 12:31 AM.

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #15
    If you used to watch this popular car T.V. show (like me ) back in the days then you definitely are from that era!

    .......................................

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #16
    Quote Originally Posted by Cult Zero View Post
    ...usong uso din yun matchbox na kotse kotsehan...
    Oo nga, like this one which I bought for only P7.50 (yes! Seven Pesos and Fifty Cents) back in 1981.



    The last of the Mustang Piston Popper from Matchbox of England pa. In the end, I had more than 200 kinds of Matchbox collected back then.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    330
    #17
    Quote Originally Posted by sequoia View Post
    unang salta ko sa maynila nuon .65cents minimum pamasahe sa dyip papunta recto. Lahat ng taga probinsya na magkokolehiyo sa maynila sa recto ang bagsak kaya ang sigla-sigla ng recto nuon. sino naka pasok sa GALA theatre?? sa Dakota?? hehe

    i remember that.....1st year college ako nuon, 65 centavos lang pamasahe sa jeep. from sampaloc to caloocan (victory liner), mga P12.00 lang ang taxi. ginagawa pa lang LRT nuon.

  8. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #18
    pag nag-hangout ka sa Jill's the Fort every Friday night

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    693
    #19
    hahaha!!! i can relate! nakakatuwa naman...

    sana kapag may anak na ako, ganyan ang mga childhood experiences niya as much as possible... kasi para sa akin, yan ang real childhool, hindi yung puro videogames, internet, etc.

  10. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    265
    #20
    Quote Originally Posted by jundogg View Post
    madaling lang yan pards...ang lahat ng magrereact sa ipopost ko, malamang kids of the 80's. hehe. eto, read on. =)

    "Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

    Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

    Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

    Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

    Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

    Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

    Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

    Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

    May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong "HIPTAL".

    Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

    Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

    Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

    Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

    Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

    Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

    Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

    Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

    Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

    Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

    Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

    Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

    Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

    Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

    Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

    Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"
    bilib ako sa memory mo sir, naalala mo pa lahat. nice one

Page 2 of 13 FirstFirst 12345612 ... LastLast
KIDS OF THE 80's