New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 11 of 11
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    651
    #1
    ano ang gagawin ninyo sa mga kariton vendors na pumuwesto na sa lugar ninyo? they park and sell their veggie stuff across the street (may bakante kasi na area na walang nakatira), yung sidewalk ba.

    ang problem ko ay yung area namin ay nagiging talipapa. and if you have vendors, naturally dadami tao at tambay.

    i understand hanapbuhay yan, pero parang wala sa lugar.

    mga squatter sila na nakatira sa bandang lugar namin.

    paalisin ko ba? meron bang law that prohibits them selling on sidewalk? or sa barangay na lang dalin?

    what do you guys think?

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #2
    cguro i konsulta mo muna sa Barangay ninyo

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    Mahirap nga yan parang yung dating pwesto namin ginawang paradahan ng mga traysikel ang harapan. Nagreklamo kami sa barangay pinalayo naman yung paradahan pero pag gabi pinag-iinitan yung pwesto wala kaming nagawa kundi lumipat.

  4. #4
    problema nga din ko yan, pero sa akin naman mga kariton pinaparada lang.. sa laki ng culiat, di kami maasikaso, ayaw naman kami tangapin ng vasra (na mas malapit di hamak sa amin kaysa sa culiat)..

    ang masaklap nga lang mga district 1 candidates dito nakampanya sa amin(considering district 2 karamihan nan nakatira dito sa amin)

    kung ok barangay nyu, report nyu yan...ko, i given up...pinagsasabihan ko nalang sila, kung di nakinig, kusa kong iaalis ang kariton nila sa middle ng gabi.

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    229
    #5
    pag nag reklamo kayo handa po din kayo sa kasamang perwisyong idudulot niyan sa inyo,kasi karamihan talaga sa mga nag rereklamo ay tinatandaan nang mga iyan o pinagiinitan,pwede po na ireklamo nga yan sa barangay katulad nga ng sabi ni boeing_747 at tama din po yung sabi ni sryuryuken na may kapalit yung pag reklamo ninyo.

  6. #6
    pero kung madadala sa pakiusap, do so....at kung may assosasyon kayo, dun mo muna padaanin...

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #7
    Tama si boeing, sa barangay muna. Mahirap kasi dyan baka tirikan na ng
    bahay kubo At eventually maging stay-in na sila dyan… For the mean time
    pakitaan nyo na lang ng mabuti para pag sinita na sila ng barangay hindi
    halata na dahil sa inyo. IMO

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    651
    #8
    kung paginitan nila ako, pambihira naman sila, hindi naman sila mga taga doon talaga, sila pa galit pag ilalagay sila sa ayos...

    minsan kasi ay sinabihan ko na, umalis ng isang araw, tapos bumalik, ngayon 2na silang kariton.

    ilalapit ko sa chairman ng barangay. i see no reason for them not to act on it.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Quote Originally Posted by Asus700 View Post
    kung paginitan nila ako, pambihira naman sila, hindi naman sila mga taga doon talaga, sila pa galit pag ilalagay sila sa ayos...

    minsan kasi ay sinabihan ko na, umalis ng isang araw, tapos bumalik, ngayon 2na silang kariton.

    ilalapit ko sa chairman ng barangay. i see no reason for them not to act on it.
    Kung ganyang dadalawa pa lang gawan mo na ng aksyon kasi pag dumami pa mas malaking problema.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #10
    Ok lang sana kung roving yung kariton... pero kung pumupwesto na sila sa isang site mahirap na. Baka maging mini palengke jan sa inyo.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #11
    mag lagay ka muna ng SIGN BOARD na Vendors not allowed here.. or "bawal mag tinda dito" tapos pag nadon sila pabasa mo... mag sasawa din mga yan pag ayaw pa rin pa tauhan mo sa mga Brg. Tanod isang gin lang katapat nyan hehehehe

kariton vendors