New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #1
    pasensya na at ito lang ang maiaambag ko sa inyo. marami sa atin ang makakarelate dito lalo na yung mga ka batch ko.

    It's always nice to look back and smile ...
    Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...
    Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
    Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela
    lang;
    Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang
    lock ang mga jeep na Willy's noon.
    10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
    Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
    Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
    Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
    Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
    malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
    Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga
    anak...
    Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
    tumana;
    Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
    trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na
    maliit ang mga gulong,
    "sketeng"(scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at
    de-sinkong pako para sa preno;
    patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para
    suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak,
    pilatok, boca-boca, borador, atbp.
    Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
    iyon.
    Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
    tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion
    (kahon-kahon yon!)
    May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
    nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil
    sa kulugo;
    Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
    Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa
    lupa.
    Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology ...
    di ba minsan nangarap ka na rin ... mas masay a noong araw!
    Sana pwedeng maibalik...
    Takot tayo ngayon sa buhay.
    Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob
    ...
    Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola.
    Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
    mapahamak o mapariwara ...
    Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
    Balik tayo sa nakaraan kahit saglit ...
    Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
    Noong wala pang mga drugs at malls.
    Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
    Tayo noon ... Doon...
    Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
    Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri
    pagnanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
    Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi
    wala namang calculator. Abacus lang ang meron tayo...
    Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama;
    Pa gtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may
    dikin naman ang ulo ng babae;
    Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya;
    Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
    Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi
    masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas;
    Tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon;
    naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
    Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang
    sumakit
    ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng
    lukaok, susuwi at espada?
    Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata .....
    Estigo santo kapag nagmamano.
    Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
    Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
    Yung crush mo?
    Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo
    o
    biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng
    singsing) o
    kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
    mas
    masaya kung inuyat;
    Puriko ang matika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa
    ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.Madami pa...
    Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri
    para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo,
    ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno
    na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
    Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka
    ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
    Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall
    na gupit;
    Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at
    kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon,
    di ba? P wede rin sa laylayan...
    May mga program kapag Lunes sa paaralan;
    May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
    Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
    Wala ng sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
    Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
    Di ba noon...
    Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
    Ito o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito?
    Ito ba o ito?"...
    Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
    carabao batuten...
    Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
    Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
    Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
    Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
    pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
    Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag
    natin pag napapa-trouble tayo.
    Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong
    skyflakes at Royal sa tabi.
    Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
    Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
    Nasa iyo ang susi... paki-buksan mo lang ...
    God Bless!

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    469
    #2
    Sanggol pa lang ako nyan ah....ehehe.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #3
    hindi mo pala naranasan ang maging masaya at simpleng pamumuhay noong araw. TNT(tawa ng tawa) ayoko kasing mag ingles tulad ng lolz.:D

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,157
    #4
    bulits,

    kaw ba yung sa mpc? dalaw ka naman bago na link hehhehe nabura yung dating board eh nasa sig ko.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #5
    oo ako nga yun. sige pasyalan ko mamaya.:D

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    114
    #6
    Matanda na ako pero I guess hindi pa ganoon katanda...

    No offense op kors.

  7. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    143
    #7
    Naalala ko ang childhood days ko.Nueva ecija ako nun at pampanga.Pati na ang gagamba, sarrangola at tumbang preso.Pag-naligo ako sa ilog, palo ng step in o tambo.Me sungkaan din at sumpit.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,355
    #8
    di pa ata ako buhay nyan eh...

  9. Join Date
    Jan 1970
    Posts
    2,244
    #9
    ako din! :D

  10. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    166
    #10
    ang galing naman!naalala ko tuloy lahat-lahat, parang bumata ako uli.

Page 1 of 2 12 LastLast
kapanahunan ko