Napatingin sa akin yung babae, tinitigan ako sa mata na wari'y tinitimbang
ang mga salitang aking nasambit...

"Ano yung Freelance Writer?"

NaFafalo ako ulit sa noo.

"Ma'am, freelancer po ako. wala po akong regular na sahod. Binabayaran ako
per article na sinusulat ko. Hindi po ako regular employee kaya wala akong
certificate of employment."

Nung makitang Form 1902 ang dala ko, sinabihan pa akong maling form ang
bitbit ko, kaya inexplain ko pa na nanggaling na ako sa BIR Main, na Form
1901 ang dala ko dati pero sabi dun, mali raw ang 1901 para sa akin kaya
binigyan ako ng 1902 dahil freelance writer ako, at inirefer ako sa branch
nila.

Nakatitig sa akin yung babae, ninamnam ang bawat salitang sinambit ko...

"Ano yung Freelance Writer?"

Okay! Kulang ka ba sa iodized salt?

Ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at nakatingin pa rin
siya sa akin na tila nambubullsh~t lang ako.

"Punta ka na lang sa Officer of the Day."

"Umm. Saan po yun?"

"Sa Seventh Floor."

1...2...3...4...5...6...7...8...9...10... ayan... kumakalma na ko...
NAKANANGTOKWA!!!! ANG DAMING TAONG NAKAPILA SA ELEVATOR!!!
$#**^%$%#!!!!!!!!Alang choice, tumakbo ako paakyat sa hagdanan mula 2nd
patungong 7th floor. Hingal na hingal ako nang lapitan ko ang Ofiicer of
the Day.

"Ma'am, pinaakyat po ako mula sa second floor..."

At ipinaliwanag ko yung nangyari, mula yung pagpunta ko sa BIR Main,
hanggang sa pagpunta ko sa ibaba kanina.

"Umm... at anong gusto mong gawin ko?"

Gumuho muli ang mundo ko, pero buti na lang may upuan sa likod ko.
Ipinaliwanag ko ulit.

"Oo nga. Sa second floor ang application ng TIN. Bakit ka pinaakyat sa
akin?"

Halos nagmamaka-awa na ako. "Ma'am, ala po ba talaga kayong magagawa?" At
inilahad ko ulit yung masasayang adventures ko sa BIR Main, sa BIR Port
Area, sa BIR Main, at sa BIR nila.

Awa ng diyos, may kinuhang chart yung ale, hinanap yung kategorya ko. Nung
makuha yung code, sinulat niya sa isang espasyo sa 1902 ko, sabay tatak.

"Ayan. Okay na yan."

Namagandai ako. Sincere!!! Halos mapaihi na ako sa tuwa. Matatapos na!!!

Kaso, putsa, ang daming taong naghihintay sa elevator. Walang choice, takbo
ulit ako sa hagdanan pababa.Pagdating dun, lalaki na yung nakaupo sa desk.
Pinakita ko ulit yung mga papeles ko.

"Saan ang Certificate of Employment mo?"

Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang loop?

"Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."

"Ano yun?"

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At ipinaliwanag ko ulit kung ano ang freelance writer, at ikinuwento ko
yung episode kanina, at yung episode sa BIR Main, etc.

"Ito kasing Form na ito, itong 1902, para sa mga may negosyo ito e."

"E yan po ang binigay ng BIR Main sa akin, dahil hindi regular ang sahod
ko!"

"May mayor's permit ka ba?"

Pikon na pikon na ako nun kaya hindi ako natawa, pero,talaga, grabe, comedy
ito, men. Wow.

"Hindi ko po kailangan ng mayor's permit! Writer lang po ako!"

Ineksamin ulit nung lalaki yung papeles ko.

"Ummm, propesyunal ka ba?"

"Opo."

"Anong propesyon mo?"

"Writer po."

"May lisesnsya ka ba?"

Sa isip ko- "HU-WAAAAAAATTTTTT!!!????"

Kung kumain ako ng bulalo kanina, malamang na-stroke na ako ngayon.

"HINDI NYO PO KAILANGAN NG LISENSYA PARA MAGING WRITER!!!"

Sabay follow-up ko ng:

"ANO BA KAYO? AKO NA MAGBABAYAD NG TAX SA INYO, PINAPAHIRAPAN NYO PA
AKO!!!" Deadma si lalaki. Nakatingin pa rin sa papeles ko, iniisip kung ano
gagawin. Kung pinapunta pa niya ako ulit sa Officer of the Day,
i-he-headbutt ko na'to talaga. Buti na lang-"O sige, irereceive ko ang
forms mo, pero ang alam ko dapat may kasamang papeles pa ito e. Pumila ka
na lang dun..."

*haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy.......*
Kaso, sobrang haba ng pila, at sa takbo ng mga pangayayari ngayon, ayoko
nang maghintay ng isa't kalahating oras para lang mag-replay ng kuwentong
kung ano ang freelance writer, at kung bakit hindi ako regular employee.
Lumabas ako, pumunta ako sa
corridor. Pikon na pikon. Tinawagan ko nanay ko, tinanong ko yung pangalan
ng kaibigan dati ng tita ko sa highschool na nagtatrabaho ngayon dun. Okay,
nakuha ko na yung pangalan. Balik ako dun, tinanong ko yung sekyu kung saan
ang opisina nung babae.

"Sa seventh floor po."

Hindeeeeee!!!!! Pero sige, para lang magkaroon ng bunga ang paghihirap ko
ngayong araw na ito- may exodus ng tao sa harap ng elevator, kaya ayun,
inipon ko ang natitira kong lakas at hininga, at aking tinakbo muli ang
second to seventh floor sa hagdanan.

Pagdating sa taas, halos bumagsak sa lupa ang baga ko. Nagtanong-tanong ako
ulit kung saan ang opisina nung bes-pren ng tita ko, hanggang sa mapunta na
ako sa gitna ng opisina nila. Sa wakas- "Ay! Diyan yung opisina nun, pasok
ka diyan."

Yehey!!!

"Ha? Ay! On-leave siya ngayon. Babalik siya sa January 2."

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!! !!!!!

Hindi pa rin nauubos ang mga tao sa elevator, hindi ko maalala kung paano
ko tinakbo pababa ang first floor. Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi,
nakaubos yata ako ng isang pitsel ng gulaman. Hinintay kong humupa ang
tila-nuclear holocaust ng galit sa loob ng dibdib ko.

*******ng gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli yung mga tax
evaders,hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga nagmamagandang loob na
magbayad ng buwis!!! Tangina, no wonder may lumolobo tayong mga deficit!!!
Syet!!! Ano nangyari sa iodized salt campaign ni Ramos!!!

Nung gabi, tinawagan ko si TJ, yung kasama ko sa trabaho, at kinuwento ko
lahat. Lagi ko kasing kinukuwento ang bawat installment ng aking BIR
adventures, at tulad ng isang epiko, grabe ang climax nung hapon na yun.

Syet. Hayop sa climax. Tinatawanan ko na lang, pero nung hapon na yun kaya
ko sigurong mangagat ng leeg. Tawa rin nang tawa si TJ, at ngayon, kuwento
niya, tawa rin nang tawa yung mga pinagkuwentuhan niya. Pati yung mga tao
sa tambayan namin, nung kinuwento ko, di rin makahinga sa katatawa.

Langya, baka maging urban legend pa ang buhay ko, in which case, sana
puwede kong i-video lahat, at lalagyan ko ng sumpa- ala "The Ring", tapos
Fafadalhan ko ng kopya yung mga tao sa BIR.

Naisip-isip ko na lang ngayon, paano nga kung kailangan mo ng lisensya para
magsulat. Isang physical manifestation ng concept ng poetic license? haha!
Kung sa driver's license, may mga restrictions tulad ng "Vehicle up to 4500
KGS GVW" o kaya "Automatic clutch above 4500 KGS GVW", etc. paano kaya yung
sa "Poetic License" o "Writing License?"

I.Restrictions
1. Haiku and short essays only
2. Essays up to 500 words and Freeverse up to 5 stanzas
3. Essays above 500 words and Freeverse above 5 stanzas
4. Critical Essays, Short Fiction, Poetry ...etc.

Pero nag-digress na naman ako. Isang hapon, pagkatapos nung BIR episode,
dumaan ako sa tambayan namin sa UP.Nung makita ako ng mga kasama ko - "Jol!
Pumayat ka a! Grabe!" hehehe. Naalala ko yung jogging-jogging ko sa
building, at yung stress, at namagandai ako. Isang mapait at matamis na
ngiti.

At kinuwento ko kung bakit.

ps:
hanggang ngayon, wala pa akong TIN. Kuwento ni TJ, si Santi Bose
raw,namatay nang walang TIN. Nakakatakot.