New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 51
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    200
    #1
    Kanina umaga, punta ako ng garage namin, binuksan pinto ng kotse at saka bumalik sa loob ng bahay kasi may naiwan ako, but i didnt close the car door. Pagbalik ko may napakalaking spider, traveller's spider ata tawag dun, nasa pinto ng car, kumuha ako ng walis para patayin sana pero tumakbo ito at pumasok sa loob ng kotse. kainis talaga. Hinanap ko, hindi ko na makita. Pinukpok ko na lahat sa loob para lumabas pero wala talaga. Paano ba to? Ayaw ko kasing mangyari sa akin ang nangyari sa cousin ko, while he's driving bigla na lng may dumapong ipis sa mukha nya, nakabig nya wheel kaya nabangga sya. Gulat na gulat kasi sya. Ako naman baka bigla lumabas yun while im driving, haay... kainis. Vinacuum ko na pero wala talaga, pero i saw the spider went inside my car.

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,103
    #2
    sprayhan mo ng insecticide like baygon lalabas yan pag nahilo na or mamatay siyasa loob

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #3
    pati si mr. spider na-goon squad hehe...

    wag pesticide. baka kumapit ung amoy

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8
    #4
    bro bili ka industrial insecticide yung ginagamitan ng fumigation machine or fog machine. Pabomba mo sa auto mo para mawala lahat ng insect na pumasok, mahirap yan while your driving baka bigla pumunta sayo yan mataranta ka at mabangga ka pa. I have a friend na muntik na mabangga dahil lang sa ipis! hahaha!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #5
    WTF! malaking spider! kung ako yan baka hindi ko magamit ung kotse. wahahaha. pakita mo na sa akin lahat ng insekto wag lang gagamba, tapos malaki pa. hehehe

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #6
    Quote Originally Posted by donski View Post
    sprayhan mo ng insecticide like baygon lalabas yan pag nahilo na or mamatay siyasa loob
    nataw rin ako, sabi ko SPIDER??? ... Goonsquad???? hehehe peace bro... anyway back to topic... yup pwede nama baygon... ung kunin mo eh ung multi insect killer, wag ung original formula, sama ng amoy nun baka kumapit... ung multi insect killer parang glade ang amoy.. sabi nga ng sister ko one time nag spray ako sa bahay. "ano bayan hindi mamamatay ang ipis sa glade" sabi ko, "glade ka jan" sabay pakita ko ung bottle ng baygon... hehe

  7. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #7
    waah! gagamba! ayoko nyan nakakatakot... ayoko rin sa ipis, dagang malalaki (yung maliit ok lang), at butiki/tuko...

    wag siguro baygon kase baka kumapit sa upholstery. alisin mo lahat ng pedeng alisin sa loob like mga car seat covers. o kaya pa-interior detail mo na lang. sabihin mo sa detailer pakihanap yung gagamba sa loob tapos bigyan mo ng tip pag nakita nila

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #8
    yap may experience ako dyan. while driving nakita ko ang malaking spider sa likod ng belt ng passenger side. whowwww ang hahaba ng paa. then pagdating ko sa bahay hinanap ko eh wala na. anyway nag spray ako ng insecticide then bigla syang lumabas sa between the windshield and dashboard. since na akala ko eh mahina na dahil ng sa insecticide eh dinampot ko with tissue paper, pero ng mapisil ko na, biglang pumiglas.. malakas pa pala. hehehe.. nakawala at tumakbo pababa sa pedals ng driver's side. di ko na makita waaahhh!! inispreyan ko na lang ang buong ibaba na yun.

    pina vacuum clean ko sa shell. at nagtataka(inis siguro) ang naglilinis dahil panay ang usyoso ko at bantay na bantay sa kanyang ginagawa. sabi ko "ayan dyan sa ilalim na yan... doon, doon vacyumin mo yun... o dyan pa.." may mga pa ilan-ilang coins syang nakita pero walang gagamba. o baka naman na vacuum yun ng di lang napansin.

    di ko na rin nakita yun uli hanggang ngayon.

    ang siste lang minsan pag nag da-drive ako pakiramdam ko may gumagapang sa binti ko. well, over consious lang seguro ako. nasa isip ko kasi na doon sa ilalalim ng dashbord ng driver's side yun tumakbo eh.


    suspetsa ko pumasok yung gagamba na yun doon sa shop ng magpagawa ako ng mastakap ang salamin ng pinto ko. iniwan ko yun doon at binalikan ko ng hapon. since two days ko nang ginagamit mula kinuha ko sa shop ang car so, ibig sabihin nandoon na yun for about two days ng maispatan ko.

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #9
    ot .

    teka nga pala.. papano naging goon squad ang gagamba?... mods...

  10. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #10
    Un sasakyan ko talagang maraming gagamba pero un maliit lang. Un tatalon-talon na mongo seed size. Saka dami na ring maliliit na sapot. Parati ko kasing naiiwan bukas na kaunti un bintana, tsk. Paaraw lang ginagawa ko.

  11. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    434
    #11
    yung Baygon na House & Garden ang mabango. as X-sile has recommended.

    inagrabyado sya nung gagamba kaya na goon squad. hehehe

    saan ba takot ang gagamba?? kasi spiders tend to hide when sprayed on or meron threat. so pwedeng mag spray kaya lang kung mamatay e hindi mo na alam kung asan sya. e paano kung di pala namatay at nag tago sa a/c then biglang nasa a/c vent then biglang full high mo yung a/c then lipad sya from the vent then................nakupo tinding focus yun not to panic. para kang inatake ng Aliens na diretso sa face eeewwww kakatakot.


    bro wag mo muna sprayan until di mo sya nakikita. para matanggal mo incase. mahirap yung hindi mo alam kung asan sya.

  12. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    195
    #12
    This thread reminds me of the Butiki thread. hehe.

  13. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #13
    mag-spray ka na lang ng insecticide yung matapang, kasi pag mga waterbased or yung mabango yung amoy minsan di mamatay unless direct mo spray sa kanila.. sarado mo yung pinto and bintana mga 5 minutes matagal na yun sigurado tepok yun.. then saka ka maglinis ng interior mo at pabayaan mo na bukas yung pinto para lumabas yung amoy at mag spray ka ng glade or air sanitizer.. mas mabuti na yung makasigurado ka kaysa naman habang nagdi-drive ka bigla na lang gumulat sayo o kaya hindi ka mapakali sa kakaisip..

  14. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    55
    #14
    i would have fainted if this happened to me haha

  15. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    200
    #15


    ganitong ganito talaga yung hitsura, kulay at laki. Kakainis hindi ko na makita. vinacuum ko na at nag spray na rin, wala pa rin. ito pa naman ang pinaka takot ako. ok lng sa akin ang ipis at butiki.

    Sorry ha? san po ba dapat ilagay ang ganitong topic? wala akong makita eh kaya pina goon squad ko na lng. sorry.

  16. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    240
    #16
    Quote Originally Posted by the one View Post


    ganitong ganito talaga yung hitsura, kulay at laki. Kakainis hindi ko na makita. vinacuum ko na at nag spray na rin, wala pa rin. ito pa naman ang pinaka takot ako. ok lng sa akin ang ipis at butiki.

    Sorry ha? san po ba dapat ilagay ang ganitong topic? wala akong makita eh kaya pina goon squad ko na lng. sorry.

    Whoa! Kinilabutan ako!

  17. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #17
    yun namang nakita ko sa kotse ko ay ito.


    harmless naman daw itong house spider. sabi da. ngeeeee!!!

  18. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #18
    bumili ka na ng pang-agiw sa ace








    sa mga susunod na umaga may mga sapot na sa ceiling ng tsikot mo

  19. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #19
    Quote Originally Posted by the one View Post


    ganitong ganito talaga yung hitsura, kulay at laki. Kakainis hindi ko na makita. vinacuum ko na at nag spray na rin, wala pa rin. ito pa naman ang pinaka takot ako. ok lng sa akin ang ipis at butiki.

    Sorry ha? san po ba dapat ilagay ang ganitong topic? wala akong makita eh kaya pina goon squad ko na lng. sorry.
    waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!

    *!&***&**(#()(!!*

    nakakatakot! kahit sabihinh harmless sila, ayoko magapangan ng mga legs na yan!

  20. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #20
    ipark mo sa arawan ung kotse mo. lalabas din yan

Page 1 of 3 123 LastLast
Help! May nakapasok na malaking spider sa kotse ko!