New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 51
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    200
    #1
    Kanina umaga, punta ako ng garage namin, binuksan pinto ng kotse at saka bumalik sa loob ng bahay kasi may naiwan ako, but i didnt close the car door. Pagbalik ko may napakalaking spider, traveller's spider ata tawag dun, nasa pinto ng car, kumuha ako ng walis para patayin sana pero tumakbo ito at pumasok sa loob ng kotse. kainis talaga. Hinanap ko, hindi ko na makita. Pinukpok ko na lahat sa loob para lumabas pero wala talaga. Paano ba to? Ayaw ko kasing mangyari sa akin ang nangyari sa cousin ko, while he's driving bigla na lng may dumapong ipis sa mukha nya, nakabig nya wheel kaya nabangga sya. Gulat na gulat kasi sya. Ako naman baka bigla lumabas yun while im driving, haay... kainis. Vinacuum ko na pero wala talaga, pero i saw the spider went inside my car.

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,051
    #2
    sprayhan mo ng insecticide like baygon lalabas yan pag nahilo na or mamatay siyasa loob

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #3
    pati si mr. spider na-goon squad hehe...

    wag pesticide. baka kumapit ung amoy

  4. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8
    #4
    bro bili ka industrial insecticide yung ginagamitan ng fumigation machine or fog machine. Pabomba mo sa auto mo para mawala lahat ng insect na pumasok, mahirap yan while your driving baka bigla pumunta sayo yan mataranta ka at mabangga ka pa. I have a friend na muntik na mabangga dahil lang sa ipis! hahaha!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #5
    WTF! malaking spider! kung ako yan baka hindi ko magamit ung kotse. wahahaha. pakita mo na sa akin lahat ng insekto wag lang gagamba, tapos malaki pa. hehehe

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    269
    #6
    Quote Originally Posted by donski View Post
    sprayhan mo ng insecticide like baygon lalabas yan pag nahilo na or mamatay siyasa loob
    nataw rin ako, sabi ko SPIDER??? ... Goonsquad???? hehehe peace bro... anyway back to topic... yup pwede nama baygon... ung kunin mo eh ung multi insect killer, wag ung original formula, sama ng amoy nun baka kumapit... ung multi insect killer parang glade ang amoy.. sabi nga ng sister ko one time nag spray ako sa bahay. "ano bayan hindi mamamatay ang ipis sa glade" sabi ko, "glade ka jan" sabay pakita ko ung bottle ng baygon... hehe

  7. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    172
    #7
    waah! gagamba! ayoko nyan nakakatakot... ayoko rin sa ipis, dagang malalaki (yung maliit ok lang), at butiki/tuko...

    wag siguro baygon kase baka kumapit sa upholstery. alisin mo lahat ng pedeng alisin sa loob like mga car seat covers. o kaya pa-interior detail mo na lang. sabihin mo sa detailer pakihanap yung gagamba sa loob tapos bigyan mo ng tip pag nakita nila

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #8
    yap may experience ako dyan. while driving nakita ko ang malaking spider sa likod ng belt ng passenger side. whowwww ang hahaba ng paa. then pagdating ko sa bahay hinanap ko eh wala na. anyway nag spray ako ng insecticide then bigla syang lumabas sa between the windshield and dashboard. since na akala ko eh mahina na dahil ng sa insecticide eh dinampot ko with tissue paper, pero ng mapisil ko na, biglang pumiglas.. malakas pa pala. hehehe.. nakawala at tumakbo pababa sa pedals ng driver's side. di ko na makita waaahhh!! inispreyan ko na lang ang buong ibaba na yun.

    pina vacuum clean ko sa shell. at nagtataka(inis siguro) ang naglilinis dahil panay ang usyoso ko at bantay na bantay sa kanyang ginagawa. sabi ko "ayan dyan sa ilalim na yan... doon, doon vacyumin mo yun... o dyan pa.." may mga pa ilan-ilang coins syang nakita pero walang gagamba. o baka naman na vacuum yun ng di lang napansin.

    di ko na rin nakita yun uli hanggang ngayon.

    ang siste lang minsan pag nag da-drive ako pakiramdam ko may gumagapang sa binti ko. well, over consious lang seguro ako. nasa isip ko kasi na doon sa ilalalim ng dashbord ng driver's side yun tumakbo eh.


    suspetsa ko pumasok yung gagamba na yun doon sa shop ng magpagawa ako ng mastakap ang salamin ng pinto ko. iniwan ko yun doon at binalikan ko ng hapon. since two days ko nang ginagamit mula kinuha ko sa shop ang car so, ibig sabihin nandoon na yun for about two days ng maispatan ko.

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #9
    ot .

    teka nga pala.. papano naging goon squad ang gagamba?... mods...

  10. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #10
    Un sasakyan ko talagang maraming gagamba pero un maliit lang. Un tatalon-talon na mongo seed size. Saka dami na ring maliliit na sapot. Parati ko kasing naiiwan bukas na kaunti un bintana, tsk. Paaraw lang ginagawa ko.

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Help! May nakapasok na malaking spider sa kotse ko!