New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 29

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #1
    masama "daw" tumanggi dito sa pag kinuha ka na Ninong or Ninang

    kinukuha kasi ako ng kapatid ko mag anak sa bagong baby nila

    biniro ko na wag na ako ,kasi gagampanan ko naman ang pagiging uncle at hindi ko pababayaan kahit ano mag yari sa nephew ko

    madami na din ako inaanak 30+ na din
    (pero ang active lang cguro ay mga 15 mga kapitbahay at mga ka officemate ko )

    pero di iyon ang dahilan ko ,kundi ang slot ko baka pwede nia ibigay sa ibang tao kaysa sa akin ,kasi lagi lang naman ako nandito lang para sa familya nia

    masama ba talaga tumanggi dito ?

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #2
    Redundant na ata yan, uncle kana ninong kapa.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    Inaanak ko din pamangkin ko

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #4
    ako inaanak ko din mga bata kong pinsan eh

  5. Join Date
    Feb 2004
    Posts
    775
    #5
    di naman siguro masama. as long as maganda naman intensiyon mo (that is, ibigay yung spot sa iba dahil uncle ka na naman.)

  6. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #6
    Hindi naman masama kung tatangihan mo. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging feelings ng kumukuha sa iyo. Yung iba kasi they prefer na kamag-anak nila ang maging ninong/ninang ng mga anak nila.

    Dito rin sa pamilya namin, ang mga kinukuha ay mga kamaganak.

    I suggest tanggapin mo na.

  7. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    229
    #7
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    masama "daw" tumanggi dito sa pag kinuha ka na Ninong or Ninang

    kinukuha kasi ako ng kapatid ko mag anak sa bagong baby nila

    biniro ko na wag na ako ,kasi gagampanan ko naman ang pagiging uncle at hindi ko pababayaan kahit ano mag yari sa nephew ko

    madami na din ako inaanak 30+ na din
    (pero ang active lang cguro ay mga 15 mga kapitbahay at mga ka officemate ko )

    pero di iyon ang dahilan ko ,kundi ang slot ko baka pwede nia ibigay sa ibang tao kaysa sa akin ,kasi lagi lang naman ako nandito lang para sa familya nia

    masama ba talaga tumanggi dito ?
    hindi naman po masama tumangi sa pagiging ninong,kaso siguro ganoon kalaki ang tiwala sa iyo ng kapatid mo kaya ka kinukuha na maging ninong ng pamangkin mo.

  8. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    611
    #8
    Quote Originally Posted by BoEinG_747 View Post
    masama "daw" tumanggi dito sa pag kinuha ka na Ninong or Ninang

    kinukuha kasi ako ng kapatid ko mag anak sa bagong baby nila

    biniro ko na wag na ako ,kasi gagampanan ko naman ang pagiging uncle at hindi ko pababayaan kahit ano mag yari sa nephew ko

    madami na din ako inaanak 30+ na din
    (pero ang active lang cguro ay mga 15 mga kapitbahay at mga ka officemate ko )

    pero di iyon ang dahilan ko ,kundi ang slot ko baka pwede nia ibigay sa ibang tao kaysa sa akin ,kasi lagi lang naman ako nandito lang para sa familya nia

    masama ba talaga tumanggi dito ?

    hahaha!!! padre, masama talaga tumangi kasi magagalit sila sayo. heheeh!!! pero joking aside, hindi naman din masama, kasi sabi nga ginagampanan mo naman pagiging uncle mo, ako ninong din sa mga pamangkin ko.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #9
    mahirap nga daw tumanggi. ako yata nasa 40+ na inaanak ko,,,, di ko na sila kilala lahat, di ko din alam kung sino ang babae at lalake heheh.

    pag dating ng pasko problema ko kung anong regalo ibibigay, kaya mga uni*** na pangregalo binibili ko hehehe, minsan pera na lang.

    tanggapin mo na bro... sakin kasi parang mas masarap pakinggan yung Ninong kaysa sa uncle or tito.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,342
    #10
    wala naman yatang limit yung mga ninong/ninang bro boeing... tanggapin na! OT: kailan ba ang uwi natin?

  11. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #11
    Pare Rollan, okay lang tumanggi like Russ and Spongee’s. Ako rin ganun
    pero since pamangkin mo naman yan eh I think you should. Paglaki n’ya
    gusto mo ba malalaman n’ya na dapat ninong ka niya pero tumanggi ka?
    Anakin mo na.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #12
    baka naman galante ka kaya ikaw ang gusto nilang maging ninong alam nila malaki ibibigay mo

  13. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,310
    #13
    awkward kasi masyado.. kukunin na ninong eh mas matanda pa sila sa akin.. kahit ba employees ko sila.. ehh malabo.. so nag decline na lang ako.. sabi ko ninong na lang sa baby nila..

  14. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    1,047
    #14
    totoo po ba na kapag kinuha kang ninong ng anak ng kaibigan mo, di na sya pwedeng maging ninong/ninang ng iyong anak?

  15. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #15
    Quote Originally Posted by jaspi11 View Post
    baka naman galante ka kaya ikaw ang gusto nilang maging ninong alam nila malaki ibibigay mo
    hindi din bro.

    Ang binigay ko nga lang electric fan eh.

    Kasi mayaman yung napangasawa nung staff ko na babae anak nang mayor.

    Basta pumunta lang daw ako kahit wala regalo.

    Pumunta pa talaga yung mag asawa sa bahay namin para dalhin ang invitation.

    Maganda lang samahan namin sa office kaya nya ako kinuha.

    Yung isang staff ulit ko na babae kakasal sa june ninong nanaman ako. hay naku tumatanda na talaga ako.

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    291
    #16
    tanong lang po, tulad sa case ng kumpare ko, ninong ako sa anak nyang babae, yung ibang ninong ng anak nya, kumpare ko na din ba?

Ninong / Ninang