Results 1 to 10 of 23
-
FrankDrebin GuestFebruary 1st, 2005 11:29 AM #1
Huwag Po Itay....
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin
ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan
noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko
pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon.
Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto.
Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya
na kailangan daw naming mag-usap at huminging
papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y
kagyat na pumasok sa aking silid.
Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian
ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga
kamay,
hinaplo s-haplos niya ang aking buhok, ang aking
mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa
aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga
labi. Napasigaw ako.
"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang
na
loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang
aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga
mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking
ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang
ginagawa sa akin.
Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo
ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop
ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak
mo!
Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".
Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya
pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong
walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang
ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng
aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang
aking Itay.
Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang
angaking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita. Magaling naman palang mag-make-up si
Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking
ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa
galing at husay ng aking ama. Naisip ko na
matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho
kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya
na
kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.
Lovingly yours,
BADONG
-
-
-
-
-
-
February 1st, 2005 12:36 PM #7
old story but funny....
its badong....
nyahahaha
eto yung sulat kay MANAY LETTY kung hindi ako nagkakamali
-
-
-
February 5th, 2007 06:33 PM #10
May karugtong pa yan na pics, eto:
Last edited by leinahtan; February 5th, 2007 at 06:43 PM.
Akala ko pa naman QC area yun pala New Manila lang walang masyadong tao, puro bahay ng intsik....
Traffic!