New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 34
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #1
    meron kaming customer na pinaikot ikot na kami, jumping from one bank to another. magissue sya ng check, then i-close nya, tapos papalitan ulit ng check from another bank, then close it again, tapos palitan ulit. ang reason nya palagi, kesyo magulo daw yung bank, palaging mali or mahirap kausap. now we've had enough. gusto na namin i-demanda.

    marami nagsasabi na walang kwenta magdemanda ng estafa, aabutin daw ng ilan taon, and hindi daw worth yung time, effort and money kahit manalo ka.

    pero meron din nagsasabi na dapat idemanda ko ng estafa para hindi na ulitin or para matakot.

    pano ba magfile ng estafa? meron din kasi nagsasabi na hindi na kelangan ng lawyer, i-file ko lang daw sa court and the prosecutor will act as my lawyer? yung filing fee daw yung idedemanda ko ang magbabayad. tama ba ito?
    Signature

  2. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #2
    bro marami din kami unpaid accounts, some umaabot ng 6 figures pero mahirap talaga habulin, hassle ang time and money. unless malaki ang perang nawala sayo..i advice you na wag nalang..baka mas malaki pa gagastusin mo kesa sa pera na ibabayad sayo.

    pero kung gs2 mo turuan ng leksyon e iba na yun hehe.

    consult your personal/family lawyer.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #3
    Quote Originally Posted by boybi
    yung filing fee daw yung idedemanda ko ang magbabayad. tama ba ito?
    alam ko ikaw magbabayad nyan depende kung magkano kung mas malaki ang halaga masmalaki ang filing fee.

    Yes yung idedemanda mo ang magbabayad kung ikaw mananalo, pagkatapos nang desisyun nang judge

  4. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #4
    sobrang tagal nga. Parang nde worth it, kame we filed last year against a customer who refuse to settle their account. It took two years before we decided to let our lawyer handle it. Until now, we're still waiting for the judge's decision.... tagal.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #5
    pareng andy, depende talaga kung gano kalaki yung pinaguusapang pera...

    If its large enough, habulin mo. Diba pag natalo sa case, sagot nya attorney's fees?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #6
    6-digits yung total na utang ng customer. is it worth it na idemanda pa?
    Signature

  7. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #7
    IMO kung 2xx,xxx+ go for it. if not wag na.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    Kung kakilala mo naman ang abogado mo, sige idemanda mo na para maturuan ng leksiyon.

    Parang hindi ata barya ang utang sa inyo ng customer mo.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #9
    pare may mas madaling paraan dyan, use the law in your favor, the bouncing check law. I-DEPOSIT MO YUNG CHECK SAME DAY NA BINAYAD SA IYO. so tatalbog yung check kasi wala pondo, o closed na yung account. yung bank na tatanggap ng deposit magmulta sa kanya ng P1000, yung issuing bank multahan din siya ng P1000, plus 2% per day for every day na wala pondo yung check na inissue nya. banko ang magdedemanda sa kanya, hindi ikaw (wala ka gastos). di mo man masingil later e may kaso na siya, 2 banko pa. at higit sa lahat black listed yan di na maka-open pa ng checking account kahit saan. ask ka sa bank na nag-issue ng check (wag sa bank mo hehehe!) paano yung bouncing check law at paano process nila, sabihin mo may binayad na check sa iyo na bank nila ang issuing bank.
    Last edited by yebo; November 25th, 2005 at 08:27 PM.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #10
    isa pa bakit dapat mo i-deposit agad e hindi nya mai-close yung account pag negative ang balance. best is to deposit it at the issuing bank branch, so for example e metrobank pasay yung bank nya, deposit mo din sa metrobank pasay agad yung check. marerecord agad yun so pagpunta nya para i-close yung account e hindi na pwede, negative balance lalabas, may utang siya sa bank, huli, wawa naman kulong pag di nya binayaran at dami lawyers ng banks.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #11
    ang problema, bago pa dumating yung due date ng check, naka-close na yung account. and taga La Union pa yung customer.
    Signature

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #12
    Quote Originally Posted by yebo
    at higit sa lahat black listed yan di na maka-open pa ng checking account kahit saan.
    ito ang hindi ko nakikitang naiimplement ng mga banks. madami kaming naging customers na pagtumalbog ang check, lilipat na ng bank, tapos meron na naman bagong check book. wala naman yatang pakialam ang bank kung good or bad client ang magopen ng account sa kanila, as long na meron magoopen sa kanila ng account.
    Signature

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #13
    Kung idaan mo kaya sa mga Collecting Agency.. tulad ng mga Credit Card collectors..hindi mo man mabawi ng lahat nag utang nya. napa Ihi naman sya sa takot hehehehe

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #14
    Quote Originally Posted by boybi
    ang problema, bago pa dumating yung due date ng check, naka-close na yung account. and taga La Union pa yung customer.
    cross/post dated check? deposit mo pa din sa bank mo before due date. ganun naman ang postdated check e, kaya mo nga i-deposit kasi post dated. saka sabi ko di ba ideposit mo agad, bago nya ma-close yung account. pagbigay pa lang sa iyo deposit mo na. di naman kelangan na due date mo i-deposit e. at least kung umabot talaga ng demandahan may bank record na nag-issue siya ng check sa iyo, may laban ka na sa courts at documented na yung bouncing check na inissue nya.
    Last edited by yebo; November 25th, 2005 at 10:27 PM.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #15
    hindi naman tatanggapin ng bank teller ang post dated check, pano ko idedeposit?
    Signature

  16. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #16
    pwede tanggapin nang bangko yan nang post dated.

    kung bago naka current balance lang sya. tama ba ako kung baga floating pa sya sa account mo hanggang magdue sya at good yung check.

    Ginagawa ko yan sa bangko ko all post dated check na nakaissue sa akin deposit ko kaagad sa bangko.

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #17
    kung few days lang mag due na yung check, pwede ipa-safe keep sa bank. pero kung months, hindi pa pwede.
    Signature

  18. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #18
    kahit months dude. ganun ang ginagawa ko depende sa arrangement mo yan sa bangko kesa naman mawala syo.

    saka safe kana kasi nakadeposit na sya.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #19
    there is thing called re-discounting....the bank na pagdedepositohan mo na ang bahala...ang worry ko lang baka rural bank sa La Union yan...

    Sir, baka pede mong ipakolekta ng cash na lang sa mga goons...sabihin mo hati kayo sa bayad pag nakolekta.

    Mahina pa siguro ang kaso mo dun as estafa, kasi nag-iisue naman ng pambayad...sana next time na mag-reissue sila ipadated mo na agad tuloy deposit ng kolektor mo.

    Another thing, sir, wag ka nang magpautang ng hindi ka nag CI ng banko nila. Usually sa unang bayad ng mga clients hindi naman pumapaltos...so what we do is call their bank and ask kung ano ang credit standing nila sa bank na yun....sasabihin naman nila kung bagong client lang yun o kung meron ng history ng bouncing checks, etc...hindi lang nila sasabihin kung magkano ang laman na pera nito sa account unless tanga yung makakasagot na taga banko.

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #20
    alam ko hindi naman considered as deposited yung check kahit hawak na ng bank kung hindi pa due.
    Signature

Page 1 of 2 12 LastLast
How to file for estafa?