Bigyan mo ng uniform... eheste wag pala... oh well...
Hindi po ako maka-comment kasi may maid kami na favorite namin ni misis... tumagal siya sa amin tapos ngayon mayaman na.
Nabuntis ng kapitbahay na DOM... :cry:
Bigyan mo ng uniform... eheste wag pala... oh well...
Hindi po ako maka-comment kasi may maid kami na favorite namin ni misis... tumagal siya sa amin tapos ngayon mayaman na.
Nabuntis ng kapitbahay na DOM... :cry:
hehehe, isang maid thread lang ulit ang magpapabalik ke flagg dito :bwahaha:
nabuntis ng DOM? hehehe!
naalala ko tuloy yung sabi sa akin ng kumpare ko, ang gamot daw nya para maka-iwas sa HIV ay "tiramid". kala ko kung anong gamot, yun pala tinitira nya mga maid ng mga kapitbahay nila nyahahahaha!![]()
Busy kasi e bro. Kakainis nga, na-miss ko yung entertainment ng multiple personality person... :bwahaha:
Sabi nga ng misis ng DOM sa wifey ko: mag-ingat ka sa maid na yan, baka hubby mo next! :rofl:
Say ko sa wife ko: gusto ko next maid namin kamukha and kasin-***y ni Angel Locsin... kahit di na sya mag-uniform... :evillaugh
AFAIK, the missus pays them 2500/mo libre lahat pati toothpaste, sabon, shampoo, even working clothes. Then usapan is they get a 500 raise after 6 mos service. Supposed to be, para ma-evaluate muna sila at huwag kami gawing source ng pamasahe pero ganun pa din ang nangyayari eh.![]()
Mas ok kumuha ng mga around 40-50 years old. Para di na nagboboyfriend =) Hahahahahahaha
Last year naka record ata kami 6 o 8 na helpers palit palit, nagtataka kami bat walang tumatagal.... Yun pala tsinismis ng driver ni ermat. Yung driver at mga boy ko pala walang pinalusot lahat pinagtutuhog.
We've tried that bro. Kumuha kami 50 years old. Ang gagawin mag aalaga lang ng bata. Hindi nga naghanap ng boyfriend pero palaging nami miss ang mga anak at nagdulot pa ng muntik na disgrasya sa amin.
Problem came when she decided to go home sa pangasinan for a vacation (2 weeks pa lang siya). Pagbalik niya dala nya yung pamangkin niya na 14 years old. Sabi nya temporary muna kapalit niya habang inaasikaso anak niya sa pangsinan. Tutal titingin lang naman sa bata ang trabaho nya.
Pumayag kami on condition that she (50 year old) will come back after a week at ibalik na yung pamangkin niya. Humingi na rin ng cash advance kasi gagastusin daw para sa anak.
One time umuwi na kami ni misis at ng panganay ko ng gabi. Kinabahan kami kasi walang ilaw sa bahay. Lumayas pala siya kasama yung 2 years old na bunso namin. Tapos may biglang tumawag sa bahay. Isang ale na nakakita sa kanilang dalawa ang nagsabi na nasa Pulis yung anak ko at yung 14 year old na katulong. Nalaman daw niya telephone number sa directory nung tinanong yung anak ko kung ano pangalan niya (buti na lang). Nakita daw niya itong pagala gala sa daan na basang basa dahil umulan at tumawag ng pulis. Sabi nung ale mukhang may balak ibenta yung anak namin para may pamasahe pauwi yung loko.
Inuwi ng mga pulis sa bahay ang anak ko kasama ang maid. Galit na galit kami pero hindi na namin pinatulan baka makasuhan pa kami child abuse. Pinapicturan pa ng pulis sa amin yung maid at ngumingiti ngiti pa. Tinanong namin bakit nya tinakbo ang anak ko nakangiti na naman. Pinatulog muna namin sa house yung katulong and the next day, hinatid na namin pauwi ng pangasinan (Kargo namin siya-baka mawala pa sa daan). Along the way, sari saring thoughts ang pumapasok sa utak ko dahil sa pagtitimpi ko. Ano kaya kung ihagis ko na lang ito sa bundok. Pero buti na lang nakapagtimpi pa rin ako..hehehe.
Lessons: marami. na trauma na kami sa mga maids. masuwerte kami yung nakakita eh marunong magmalasakit.
- it pays to orient your children on basic things like knowing their names
- marami pa ring mababait na tao na handang magmalasakit.
- wag kumuha ng menor de edad kahit isang araw lang.
- God works in mysterious ways.
sori napahaba ito.. this happened a year ago.
Hehehe. Kaya kami sanay na kaming walang helper. Sumasakit lang ang ulo namin dahil dyan kesyo ubusin yung laman ng ref kasi ayaw daw ng ulam, mag-syota ng tricycle driver, etc. Kami-kami na lang ang gumagawa. Nasasanay pa na may responsibility yung anak ko(7 yrs old) sa bahay.
ito ang the best ,,kung kaya nyo rin lang wag na talaga mag katulong
may friend ako na movie writer may kilala sia na showbiz couple
dalawa anak nila pero wala sila katulong mula umpisa .di lang sila sabay nag accept ng project sabay .kung sino may time or wala shooting sia taong bahay at yaya ng mga anak
kami din kasi lumaki ng wala katulong ,kanya kanya agad .laba ,linis ng bahay ..pero luto kay ermat na iyon
sir advise ko lang wag mo siya sanayin na laging umuuwi. kung pwede every month mo ibigay suweldo nya. Baka kung ano ano inu uwi niyan na galing sa inyo. Yun nga 14 year old na katulong na iyon eh sankatutak na delata at mga damit ang nasa bag niya. Pati mga laruan ng anak ko di pinatawad.
Mistake ko nga di ko na nafollow up eh. Baka mambiktima na naman sila ng ibang households. Ang alam ko eh yung matanda ang nag inventory ng gamit namin at inutusan yung bata na gumawa ng kalokohan. Para pag nahuli eh hindi sasabit kasi menor de edad.
Bad trip talaga yun maid namin. Biglang sumakit yung ulo (pasumpong sumpong daw) tapos nagpa-alam na walang pang 2 weeks. Nung bitbit na yung damit nya paalis nawala ang sakit ng ulo. What a downer!! Ginawa lang kami stepping stone enroute to civilization. Waaa!! tsimimoy ako ngayon!!![]()
Last edited by leinahtan; February 5th, 2007 at 11:47 AM.
nung bata pa ako may katulong kame dati lagi ako nililibre.. yun pala galing sa alkansha ko yung pinangbibili nya.. waaaaahhh
iba na ang social landscape.
People are more materialistic and more ambitious now than previous generations. And that includes young promdi barrio girls who come to manila to work as maids.
They will stay for a few weeks. Incubation period lang yan. Mabilis learning curve nila. When they think they know enough of what they perceive as the way of the world, they will make career moves.
Lalo na pag nagka-celfone na... they will communicate with kakabayans here and back home, and relatives... those people greatly influence their thinking.
And makikipagtxtm8 mga yan... magkaka-bf, bigla nalang mawawala ng ilang araw. o kaya di na babalik.
our maid/yaya is almost 12 years na sa amin.. yaya ko pa yun nung bata pa ako at naging yaya din ng bunsong kapatid ko.. pero noong 1994 she left kse nabuntis sya nung kapitbahay nmin, ayun umuwi ng probinsya nila tpos after 3 or 5 years bumalik sa amin dahil iniwan nung nka buntis sa kanya..
wala ako masabi sa naging maids nmin.. almost 3 na naging maids na namin na loyal at talagang mapagkakatiwalaan.. yung isa, umuwi ng probinsya para mag aral, ayun pinayagan nmin dahil bumalik nman yung dating maid nmin.. yung maid nmin na bumalik sa amin after 5 years gustong ngang kunin ng tita ko sa amerika para gawing kasambahay nya dun.. maayos kse at mapagkakatiwalaan..
actually, ayaw nmin na tawagin syang katulong or maid.. we rather call her as kasambahay
this is how we treat our kasambahay:
1. yung maid nmin, pinag aral pa nmin kung pano magtahe para may dagdag na kaalaman.
2. we don't scream at her kung nagkakamali, we just tell her kung ano ang mali nya.
3. kung ano ang pagkain nmin, gnun din ang pagkain nya, walang discrimination porket maid sya.
4. yung kwarto nya ay kasing laki ng kwarto nmin, may sariling tv (w/o cable), electric fan at radio (sosyal diba?) hehehe..
5. we treat her as a part of the family, we dont look at her as mga parang mga taong walang pinag aralan or parang nagtratrabaho para magkapera..
actually maayos talaga yung kasambahay nmin, pang all around nga.. marunong maglaba, maglinis, magaling magluto (she always cook for breakfast until dinner), alam kung san nkalagay ang mga gamit nmin, even yung mga tshirt nmin kaya nya i-distinguish kung sa akin yun or sa kapatid ko or sa erpats ko.
siguro we are blessed to have good maids/kasambahay kase tamang pakikisama lang, like i said before na we treat her as a part of the family, walang discrimination or anything, tao din nman sila.. kaya siguro ganun din ang return nila sa amin, maayos at matitino..![]()
hehehehe. let me guess...tuwang-tuwa ka nun habang nililibre ka no?
*hanren: that is our mistake. our maid has been with us for 7 years already. sinanay kasi ni esmi na ganun eh. actually pagdating kasi sa household, hindi ako nakikielam eh. but the good thing here is that she will only be staying with us until the end of march 07. nagpaalam na eh. time for a fresh new start with the new one.
yung maid naming ito, we even encourage her to do sidelines para may extra money sya. at the same time, hindi rin masyadong nagagalaw ang budget namin for her advances. dati kasi, before we encourage her to have a sideline, every 15th and 30th, advance ng advance eh.