New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 20
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    96
    #1
    My Parents came few weeks back from US. Tas there was this time na we where going to Mindoro to visit our relatives.

    While my Dad is driving in EDSA maka sabay namin sa daan ang isang Truck. while running in 90 to 100 Kph bilga ba naman lumaki mga mata ko ng may nakita kong 4x4 na solid Wood sa lane namin... wala na kaming magawa kundi sagasaan ang "toot" na kahoy na yon... my dad cant event break or iwasan ang wood... Woo!!! halos tumalon and sasakyan sa bilis and lakas ng impact...

    After that, tumabi kami to check if there was any damage... buti nalang wala.. or worst if OMG!!!

    Then nakita ko awa ng Father ko sa Car... He almost cried.. but the thing is walang nangyaring masama sa Family Ko. Minsan na nga lang mamasyal parent ko sa Pinas.. Tas ganun pa may EXP...

  2. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #2
    kaya the philippines is SUV country. pag nakakakita ako ng ganyan bato man o dos por dos, nilulusot ko na lang sa ilalim

  3. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #3
    Too many to share for me, son. 'Been motoring around EDSA since the late 80's. The EDSA of your dad's time is totally different from the EDSA of today. I'm just glad that you and your family did not figure in an accident.

  4. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2,326
    #4
    Sus. Dati nga mga 11 yata ng gabi TAO 'yung nakita kong nakahiga sa EDSA eh -- trying to commit suicide yata. Buti di ganun kabilis takbo ko -- that was definitely swerving on my part though!

  5. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #5
    yan ang di ko pa nagagawa, ang padaanin yun nakahiga tao sa ilalim

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Meron pa nga yung nagkalat ng kabaong.

  7. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    229
    #7
    naku po edsa, sa tinagatagal ko nang nagmamaneho diyan, lahat ata nang pagbabago, aksidente, kawalanghiyaan, kahayupan, kabubwisitan ay nakita ko na diyan,kung sabagay tanungin mo nga lahat ng tao may masasabi sa iyo tungkol sa mga pangyayari sa edsa.

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Meron pa nga yung nagkalat ng kabaong.
    Ha? Pa'no nangyari yun?


    Only in EDSA, Philippines:

    A bus driver urinating on his bus' front wheels (on a red light traffic, wala pa MRT noon) in full view of other motorists! Di na nakatiis, du'n na jumingle.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #9
    eh yung mga bus na walang pakialam kung meron tatamaan kung bumali ng liko papalabas para umovertake sa kalabang bus sa pagkuha ng pasehero...haaayyy nakaka-inis...wala ka namang magawa kasi bus nga ang laki......

  10. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #10
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Meron pa nga yung nagkalat ng kabaong.
    are you sure sir na nakakakita ka ng kabaong. in old Filipino folklore, bad omen daw yan

  11. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #11
    Quote Originally Posted by oldblue View Post
    are you sure sir na nakakakita ka ng kabaong. in old Filipino folklore, bad omen daw yan
    Hahaha sa Magandang Gabi Bayan nya yata nakita hehe. Kami din, just last year coming from Bulacan, heading to Munoz parang umulan ng malakas may mga sanga sanga galing dun sa mga puno sa island. Ayun, pag nagbreak ako wla na rin. Ayun after ko itabi, nakasabit pa din sa ilalim ng auto -- tinanggal ko na lang.

  12. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #12
    Bro Jojan, its a good thing no harm done sa inyo!

    ...and who would forget the now famous Spike Boy of EDSA

  13. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    229
    #13
    may naalala nga pala akong katawatawang experience diyan sa edsa share ko lang:

    one time i rode the bus in cubao, ngayon everything was just your typical day, yung kundoktor bumaba para magtawag ng pasahero,alam naman ganyan ang usual practice at napansin ko nga light yung traffic, so harangkada yung bus papunta dun sa next stop ang bilis bilis, tapos walang sumakay so next stop ulit, napansin nung driver may isang bus humahabol, so ginawa ng driver namin hindi niya pinasingit at naiwan niya yung isang bus, wow, hanep para kami ngayon nasa roller coaster sa loob at dumating na din kung saan ako bababa, marami rami ding kaming bababa dun sa munoz at dun nagkaabot yung dalawang bus, akala ko nga, away na eto, dahil hinarangan nung isang bus yung bus namin, then biglang nagtawanan lahat,alam ninyo kung bakit...kasi nakalimutan pala nung bus driver niya yung kundoktor niya doon pa sa cubao, kaya pala hinahabol siya nung isang bus, galing noh.

  14. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #14
    every situation involving wreckless buses is always a bad exp. for me.
    kaya ako nagkabit ng malakas na horn.
    Last edited by XTO; April 30th, 2007 at 05:33 PM.

  15. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #15
    Dumami ang aksidente sa EDSA ng maglagay ang MMDA ng mga barikada and fences.

    At least, they are now rehabilitating EDSA.

  16. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #16
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Ha? Pa'no nangyari yun?
    Meron talaga napanood ko sa news noon either channel 2 or channel 7. Natanggal sa pagkakatali yung mga kargang kabaong na galing pa ng Pampanga.

  17. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    237
    #17
    Ang hindi ko malimutang bad experience ko sa EDSA happened last year, nung minsang hiniram ko kotse ni erpats. Bihira ko na lang nga hiramin yung kotse niya, nung hiniram ko e naputulan pa ko ng timing belt ng alas-2 ng madaling araw habang pauwi ako galing opisina, sa may area pagkalampas ng Pioneer. Sobrang dilim pa naman ng lugar na pinagtirikan ng kotse kaya pinara ko na kaagad yung una kong nakitang taxi para mai-tow kotse sa amin (buti na lang pumayag). Hay naku kapag minalas ka nga naman, sana naman e wag mangyari to sa ibang tsikoteers.

  18. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    834
    #18
    *fearless sir nice exprience hehehe

  19. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #19
    Quote Originally Posted by fearless View Post
    may naalala nga pala akong katawatawang experience diyan sa edsa share ko lang:

    one time i rode the bus in cubao, ngayon everything was just your typical day, yung kundoktor bumaba para magtawag ng pasahero,alam naman ganyan ang usual practice at napansin ko nga light yung traffic, so harangkada yung bus papunta dun sa next stop ang bilis bilis, tapos walang sumakay so next stop ulit, napansin nung driver may isang bus humahabol, so ginawa ng driver namin hindi niya pinasingit at naiwan niya yung isang bus, wow, hanep para kami ngayon nasa roller coaster sa loob at dumating na din kung saan ako bababa, marami rami ding kaming bababa dun sa munoz at dun nagkaabot yung dalawang bus, akala ko nga, away na eto, dahil hinarangan nung isang bus yung bus namin, then biglang nagtawanan lahat,alam ninyo kung bakit...kasi nakalimutan pala nung bus driver niya yung kundoktor niya doon pa sa cubao, kaya pala hinahabol siya nung isang bus, galing noh.

    He-he! Sir Fearless, parang comedy film ni Dolphy, Vic Sotto or Joey De Leon ito ah.....

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #20
    Buti at 4x4 lang ang nasagasaan mo.... ako gulong na may rims pa! :rant:

    Lumipad kami partially sa lakas ng impact. Nag crack yung sidewall nung gulong ko sa lakas ng impact pero buti na lang konting chip off lang sa mags ko.

Share ur EDSA EXP