New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 34

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #1
    Mahirap Humanap ng Ganyan isakto. Nilalagay pa nya talaga sa pocket yong Radio or nakapatong lang sa table at kinig na sya? Kasi madami maliit na Radio tulad ng gift ko sa lola ko. Divi Mall ko nabili, kaya lang hindi kilala yong brand. Hindi rin ganyan yong shape. Matibay din kasi Xmas gift ko kay lola nung 2005 yon. Ok pa hangang ngayon. Less than P100 bili ko 2 binili ko para kung masira bigay ko ulit yon isa pa. Hangang ngayon buo pa yong una kaya nasa taguan pa yong isa.

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #2
    mahirap na nga humanap nyan pero try mo sa may monumento, tapat ng grand central. may maliit na shop dun katabi ng surplus saka terminal ng victory liner. meron pa yata sila binebenta na ganyan na branded.... alam mong old stock kasi maalikabok na

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #3
    meron ako nyan dati (sony) pero di makasagap signal sa loob ng gallery ng pse sa tektite pag AM, FM lang.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    mahirap na nga humanap nyan pero try mo sa may monumento, tapat ng grand central. may maliit na shop dun katabi ng surplus saka terminal ng victory liner. meron pa yata sila binebenta na ganyan na branded.... alam mong old stock kasi maalikabok na
    This is one jeepney ride away. hehehe. May pangalan ba yung shop? Sobrang daming nag-usbungang surplus TV shops dun, eh. Yung iba may binebenta ding TV na NipponJapan ang name (made in China) for Php3,390 (14"). Saang side po ba ako manggagaling nito? Sa Rizal Avenue or sa Samson Road?

    Try ko din sa Megamall. May Sony at Western doon.

    Yes, nilalagay niya sa bulsa. Nilalapit niya sa tenga niya kapag nakikinig siya o kaya pinapatong sa table. Pagkatabos ibubulsa ulit. Pati yata sa kotse yun ang pinakikinggan niya. Hindi na ginagamit yung head unit ng sasakyan.

    Sa hirap maghanap, baka maging Christmas gift na ito. hehehehe. Salamat.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #5
    Quote Originally Posted by OTEP View Post

    kahilera sya ng victory liner na terminal ng bus. wala yata name yun shop. check ko mamaya kung meron sila dun. yep! may mga tv dun pero meron din sila iba pa electronic devices na binebenta. im not sure pero meron din yata sa may hardware sa grand central, kaso kaloob-looban pa nung hardware. mostly kasi yun mga ganyan lumang electronic devices eh dun mo makikita sa mga electronic shop sa tabi-tabi... anyway, marami electronic shops around monumento na nagbebenta ng mga lumang equipments hehehe! dito lang ako nakakita ng mga head unit na may tape deck pa pero brand new! ayaw mo yun jollibee am/fm transceiver na french fries ang itsura?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #6
    doc otep,

    kunting lakad pa, sa 2nd flr ng shang, sa ambassador, yong nga lang 11am ang bukas nila kahit Sunday.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #7
    badsekktor,
    Bale kung galing ako ng Samson Road, kakanan ako before Araneta Mall and before Monumento? Dun ko kasi nakikita lumalabas ang mga bus ng Victory. Dun sa parang maliit na kalye.

    RedHorse,
    Saang Shang iyan? Btw, I think I saw your Trooper sa Sto. Domingo area last Friday.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #8
    Quote Originally Posted by badsekktor View Post
    kahilera sya ng victory liner na terminal ng bus. wala yata name yun shop. check ko mamaya kung meron sila dun. yep! may mga tv dun pero meron din sila iba pa electronic devices na binebenta. im not sure pero meron din yata sa may hardware sa grand central, kaso kaloob-looban pa nung hardware. mostly kasi yun mga ganyan lumang electronic devices eh dun mo makikita sa mga electronic shop sa tabi-tabi... anyway, marami electronic shops around monumento na nagbebenta ng mga lumang equipments hehehe! dito lang ako nakakita ng mga head unit na may tape deck pa pero brand new! ayaw mo yun jollibee am/fm transceiver na french fries ang itsura?
    Tapat ng Grand Central yung Uniwide (kung meron pa 8 years na akong hindi napunta dyan)

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    head unit na may tape deck pa pero brand new
    Nakita ko din ito. Php750.00 ang asking. Brand new na hindi ko matandaan ang brand. Ang tuner is dial type pa. Pero sunod naman sa uso ang kulay, satin silver na din.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #10
    Kung andyan lang ako sa manila bigay ko nalang sayo OTEP.. meron ako dito tagal na SONY din ang brand nya sakto sa hanap mo kaso medyo malaki lang ng konti hindi pwede lagay sa pocket pero very handy sya... Tagal na sakin to pero hindi ko ginagamit battery operated sya AA

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #11
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Yes, nilalagay niya sa bulsa. Nilalapit niya sa tenga niya kapag nakikinig siya o kaya pinapatong sa table. Pagkatabos ibubulsa ulit. Pati yata sa kotse yun ang pinakikinggan niya. Hindi na ginagamit yung head unit ng sasakyan.

    Sa hirap maghanap, baka maging Christmas gift na ito. hehehehe. Salamat.
    ahihihi...ganitong ganito yung late grandmother ko. kung ano anong electronics ang gusto naming ibigay sa kanya, aba tanggi siya sa lahat. simpleng tao lang daw siya at para sa aming mga bata yung mga high tech. masaya na siya sa transistor radio niya at black and white tv (we eventually persuaded her to at least accept a color tv).

    na-miss ko tuloy siya ngayon :cry2:

    good luck sa christmas shopping nyo!!

HELP: Pocket/Transistor Radio