New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    326
    #1
    Heto po yong meguiars cordless buffer ko (brand new) pero may problema yong battery dahil kahit fully charged na hanggang 5 minutes lang tumatagal ang ikot. Walang problema yong motor, yong battery lang talaga.

    Nagdecide ako na iconnect na lang ng direkta sa kuryente at dahil yong transformer na kailangan ay halos kasingpresyo na nitong buffer naghanap na lang ako ng alternative at eto yong nakita kong mura.

    Eto ay 12 volts 4 Amp Compact Battery Charger. Yong meguiars buffer ay 5 volts lang ang motor at walang nakalagay na wattage nor amperage. Pero I'm sure na okey lang yong 4 Amp. Natest ko na ito at gumagana naman kaya lang medyo mas mabilis ng konti ang ikot kesa sa pag battery ang nakakabit.

    The question is... okey lang kaya yong 12 volts na power supply para sa 5 volts na motor nong buffer. Okey lang bang gamiting source ng power yong charger although na di naman talaga yon ang purpose non.

    Sorry po wala akong alam sa kuryente at sayang naman kung di ko pakikinabangan yong buffer.

    Last edited by Wouie; April 5th, 2006 at 09:49 AM.

  2. Join Date
    May 2004
    Posts
    326
    #2


    the battery charger as an alternative to a transformer

  3. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    3,362
    #3
    Kaya mas-mabilis kasi mas mataas ang voltage. Dapat 5V lang. Pagawa ka na lang sa Raon ng eksakto. Hanap ka rin sa Internet baka merong wattage/ampere rating dun para match talaga.

    Pag tinuloy mo yan sa 12V baka may malutong wire. Baka lang naman.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,620
    #4
    naku 12V to run 5V buffer?

    bibilis talaga yan twice at speed pa...
    baka hindi kayanin ang load ng buffer, baka masira lang sayang...

  5. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #5
    hanap ka ng universal adaptor or power supply sa raon, 6 volts ang kunin mo, anything around 4 amps kaya na yan...

    if you continue using 12 volts masusunog ang armature nyan... now for sure alang parts yan dito...

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #6
    stop using the 12v supply. masisira yung buffer mo nyan. as what others said, hanap ka nalang ng 5v adaptor. i'm sure may makikita ka nyan.

  7. Join Date
    May 2004
    Posts
    326
    #7
    salamat sa inyo, hahanap na nga lang ako ng eksakto, kinuha ko lang naman yon dahil mura at baka magkakaayos. Pero bakit naman sobrang hina ng motor nito 5V lang. Okey sana kung nadyan ako, maraming mapagkukunan ng transformer, eh dito halos kasingpresyo na nong polisher kaya doble gastos.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #8
    Quote Originally Posted by impulzz
    hanap ka ng universal adaptor or power supply sa raon, 6 volts ang kunin mo, anything around 4 amps kaya na yan...

    if you continue using 12 volts masusunog ang armature nyan... now for sure alang parts yan dito...
    tumpak! pati yung mga magnetic wire nung motor baka maluto. pangit na yan pag-pina-rewind mo.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #9
    waaaah nasa UK ka pala. kung may kakilala ka dito sa pinas or may kamag-anak ka, pabili ka na lang dito ng dc power adaptor na match dyan sa buffer mo. tyak mas mura magagastos mo pag ganun ;)

  10. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #10
    lite duty buffer lang kasi yan kaya mabagal, ginawa nila yan for DIY, at kung di gaanong experienced yung tao gagamit delikado ang mabilis. with a fast buffer you can easily burn off paint.

    wala bang warranty yan? brand new naman yan ah

Page 1 of 2 12 LastLast
Help naman sa mga expert sa kuryente (with pics)