New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 4 of 10 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Results 31 to 40 of 93
  1. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #31
    you should read the article "philippines a disgraceful state" at malalaman mo na ang presidente na nagsabi na nagimplement ng LAnd Reform ang unang-unang hindi sumunod dito... bakit hindi pa nadididivide ang hacienda luisita? eh diba it violates the agrarian reform?

    mga elitista talaga... kung hindi sila tutulong sa mahihirap we'll see a french revolution in the philippines... its only a matter of time pero magtatake-over din ang mahihirap...

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,140
    #32
    Originally posted by hens
    ....ibig niya yata sabihin eh...parang mga pulis dito sa atin..bago sila pumasok sa pagka-pulis...eh alam naman nila na mababa ang sweldo nila...Tapos ngayon..kinakatuwiran nila na kaya sila nangungurakot dahil mababa ang sweldo nila...

    ganun din ang mga trabahador.pumasok sila na alam din na mababa ang sweldo...pag nakitang kumikita ang company..welga na agad at humihingi na ng increase....
    I beg to disagree with this analogy. Oo, alam nila parehong maliit ang sweldo nila pero may malaking pagkakaiba ang hangarin ng pulis at trabahador kaya nila tinanggap ang trabaho nila.

    Katwiran ng trabahador na "humihingi na ng increase", tinanggap nya ang maliit na sweldo sa dahilang wala syang choice para mamili pa ng maganda at mataas na sweldo dahil na din sa kakulangan sa edukasyon. At para lang kumita upang may makain ang kanyang pamilya. Kaya naman sila napipilitang magwelga (which is LEGAL where they can apply for a permit) ay para tumaas kahit papano ang sweldo nila.

    Katwiran ng mga "nangungurakot" na pulis, tinanggap nya ang maliit na sweldo sa dahilang alam nyang kaya nya pang kumita ng malaki sa pangongotong, bribery, hulidap at pagiging corrupt (which are all ILLEGAL).

    Kaya malaki po ang pagkakaiba ng 2 manggagawang 'to. The one that is using LEGAL means just to earn more and the other one that using ILLEGAL means to gain much.

    Br,
    silver_corolla

  3. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #33
    kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan... dati hindi rin ako kampi sa manggagawa... pero pagnakikita ko yun mga construction workers namin na pawisan at in the end yun kikitaain naman ay mapupunta sa amin pambili ng boardshorts samantalang sila ay lumang damit lamang ang suot, ay na-aawa ako sa kanila at nakikiramay... haay buhaay...

  4. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #34
    Kaya naman sila napipilitang magwelga????

    Yun nga ang problema eh...Kung ayaw nila sa company nila..Limipat sila sa iba.. alam ko sasabihin naman, na mahirap makakita ng ibang mapapasukan..eh di mag-tiyaga sila..keysa magutom ang pamilya nila...bat sila Magwe-welga?? (kahit legal ito)

    Katwiran ng mga "nangungurakot" na pulis, tinanggap nya ang maliit na sweldo sa dahilang alam nyang kaya nya pang kumita ng malaki sa pangongotong, bribery, hulidap at pagiging corrupt

    Yun nga din ang problema....eh di Maghanap din sila ng ibang trabaho..bat sila mangungurakot?..kung walang ibang mapapasukan....di ayusin nila ang duty nila bilang isang pulis.

    Com'on Guys, Hindi ako galit sa mga mahihirap..Galing din ako sa hirap eh..di rin ako nakatapos sa pagaaral..(3rd yr hs lng)..umalis ako ng Pinas 16 yrs old ako..dala ko lang isang maleta..Nagtrabaho ako bilang Factory Worker..(kaya alam ko rin kung gaano kahirap maging trabahador)..

    Kaya lang ako umasenso ng konti ..nag-Tiis!!! nag-Sipag!!! nag-Tiyaga!!! ako..(kahit kailan, di ako umangal sa trabaho ko..PINILIT kong minahal yung trabaho ko)..dahil alam kong pagnawalan ako ng trabaho sa abroad..sa kalye ako matutulog.

    Last edited by hens; November 19th, 2004 at 01:39 AM.

  5. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #35
    Originally posted by hens

    Com'on Guys, Hindi ako galit sa mga mahihirap..Galing din ako sa hirap eh..di rin ako nakatapos sa pagaaral..(3rd yr hs lng)..umalis ako ng Pinas 16 yrs old..dala ko lang isang maleta..Nagtrabaho ako bilang Factoy Worker..(kaya alam ko rin kung gaano kahirap maging trabahador)..

    Kaya lang ako umasenso ng konti ..nag-Tiis!!! nag-Sipag!!! nag-Tiyaga!!! ako..(kahit kailan, di ako umangal sa trabaho ko..PINILIT kong minahal yung trabaho ko)..dahil alam kong pagnawalan ako ng trabaho sa abroad..sa kalye ako matutulog.

    i think no one can argue with this example by hens. imagine hindi sya nakatapos ng HS and yet napunta sya s ganoong stado ng buhay. marami talaga sa pilipino ang may ugaling "misplaced priorities". inuuna muna ang ibang bagay bago ang para sa kinabukasan. galing din kami sa ibaba(imagine dividing one small bangus for six of us when i was small at marami pang napakahirap na sitwasyon). meron akong kakilala na anak ng nagtatrabho sa HL at ngayon ay maganda na rin ang buhay. kasi ang magulang nya ay pinaghandaan ang kanyang kinabukasan. ayaw nila na magaya ang anak nila sa kanila na halos walang opportunities.

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #36
    Originally posted by mazdamazda
    yup... hindi nga nila naiisip yung bigger picture... naghihingalo na nga ang sugar industry natin tapos ganun ang demand...

    nagulat ako sa P30K na signing bonus! talo pa ang mga nagtratrabaho dito sa ortigas / makati.

    tapos P200 na wag hike increase? parang masyado namang imposible yan.
    ganyan kalaki ang demand.. una.. posturing.. u should ask for heaven .. and management will give earth... para malaki ang room for negotiations between heaven and earth...

    secondly.. and most importantly.. hindi naman buong 30k na signing bonus (kung ibigay man) ay mapupunta sa mga employees covered by the CBA eh... may cut ang labor union dyan.. 20% ata... tapos dun sa 200 daily wage increase.. may cut din ang labor union dyan... hindi buo yan mapupunta sa employees covered by the CBA...

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #37
    Originally posted by pissword
    how much ba ang minimum wage sa tarlac??

    btw, if sa province, kayang kaya po bumuhay ng family ang 180 a day... kasi po bigas lang halos ang binibili, tinatanim naman po lahat, specially un mga taga bundok talaga.

    if ever man 200 wage increase, eh kung 100 lang ang kinikita nila ngayon.. .so magiging 300? anu yan metro manila?

    yeahh some people d lang talaga maintindhan ang negosyo, akala nila sila lang ang naghihirap..

    but then, kung kaya naman ng company taasan ang sweldo, bakit pa sila nagantay na lumala ang situation bago sabihin na wage increase of P12. sana d na nila inantay magkagulo
    sugar may be considered a socially sensitive commodity.. maaaring ang labor component sa pag refine ng sugar ay di ganung kalaki.. but kung itinaas ang wages para pagbigyan ang mga employees... what are the possible effects:
    1. cost of increase in wages will be passed on to the product
    2. sa dami ng smugglers (not just sugar), kapag pinatulan ng smuggler ang sugar industry, shempre hindi makakalaban yung mga refiner dahil bagsak presyo..
    3. kung empleyado ka, di ba mura din ang bibilhin mo? given 2 bags of sugar, one coming from Hacienda Luisita, the other smuggled... assuming you are an employee of the hacienda... baka bilhin mo pa yung smuggled kasi nga mas mura.. and to think yung ikinabubuhay mo eh sa Hacienda nanggagaling...
    4. pag tumaas naman presyo ng sugar (and other basic commodities), mag iingay uli ang mga militant groups -> "IBABA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN!!" anak ng ewan naman oo... gusto lahat itaas.. pero presyo ng bilihin ibaba... eh san mo kukunin ang pondo sa gitna?

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #38
    Originally posted by Bogeyman
    theveed and hens:

    It's not that they had a choice to begin with. Karamihan sa kanila walang natapos. Ni hindi nga yata nakatuntong ng eskwelahan yung iba. In other cases, namana lang nila sa magulang nila yung trabaho. O kaya pambayad sa utang ng mga magulang. In any case, yun na lang siguro yung nakagisnan nilang hanapbuhay.

    Kaya hindi ganun kadaling umalma kapag nakita nilang mababa ang sahod. Kadalasan kasi, alam nilang wala na silang mapupuntahang iba, it's either work or starve. Nagtiyatiyaga sila sa ganung sahod kasi it's better than nothing. Let's not judge them according to our standards of living. Iba ang kalagayan nating mga taga-siyudad kaysa sa kanilang taga-lalawigan.

    Pero mali din naman yung ginawang sulsol sa kanila. Wala na ba silang alam na solusyon kundi puro welga? Hindi na effective eh. Nandadamay pa sila ng mga taong walang kamalay-malay, na gusto lang naman e magtrabaho para may makain.
    yung mga sulsol ang problema eh.. may nakiki alam na 3rd party.. in the guise of fighting for the rights of the laborers..

    pero ang think about these:
    1. noong wala pang party list.. panay ang sigaw nila na tanggalin na ang pork barrel... pero ngayong ilan na ang seats nila as partylist sa congress.. dine depensahan na nila ang pork barrel...
    2. kung talagang gusto nila ipaglaban ang karapatan ng manggagawa.. at sa laki ng nakukuha nilang mga cuts from the CBAs (not to mention mga under the table stuff), BAKIT DI SILA ANG MAGTAYO NG FACTORY AT MAG EMPLOY NG DAAN-DAAN.. tapos ipakita nila sa buong bansa na kaya nilang magpatakbo ng profitable company, na lahat ng empleyado ay mataas ang sahod at benepisyo... kung magawa nila yan, pahiya na lahat ng management...
    3. partylist reps ang nag bring out ng issue sa congress (kahit na ibang issue ang pinag uusapan)... para mapunta sa consciousness ng tao ika nga... (just like yung efforts ng isang party list "tumulong" sa negotiations sa pagpapalaya kay Nayan sa Afghanistan.. aber.. may koneksyon ba sila dun? )..

    ewan ko talaga oo..

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,326
    #39
    Originally posted by theveed


    ... Di lang Phil ang mahirap, but the mentality of Fil laborers are absurd, even consumers dont understand the point of having a business is to make profit first and foremost otherwise...

    ... pag lugi ang company and naghihingalo (partly due to the laborer's inferior work causing losses due to quality rejection of clients), and the company has to retrench, WELGA NANAMAN!

    Ang tawag dyan abuso sa demokrasya.

    Laborers in this country don't understand that. Isip lang nila "KUMPANYA KUMIKITA TAYO GANITO PADIN SWELDO!"

    Habol nila hindi katarungan kung di paghihiganti at matutuwa sila kung bumagsak yung kumpanya dahil sa welga nila... shz.
    grabe.. totally agree here...

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #40
    yung strike ng Philippine Rabbit Bus Lines dito, lasted more than 6 months. everybody knows that PRBL is in the red for years, yet kung anu ano pa ang hinihingi ng labor union. syempre hindi kaya ibigay ng management, so nag strike sila. walang nagawa ang management kundi totally stop ang operations. after a few months, (though not sure ako dito), PRBL sold some of its terminals and buses to pay their loans and interests. (yung Bataan Transit was PRBL before). when the labor union sensed na wala ng patutunguhan ang strike nila, na maaaring ibenta ng PRBL mga assets nila one by one, they met with the management and asked to resume their operations and hindi na nila muna paguusapan yung mga hinihingi nilang additional wages or benefits. ang sagot ng management: wala na kaming pera to resume operations. yung mga buses ilan buwan ng hindi napaandar, malamang stucked up na mga makina, at wala na rin pambili ng fuel.

    pero late last month, just before the all saints day, nag resume na operations ng PRBL. hindi ko na alam kung anong napagusapan nila.
    Signature

Page 4 of 10 FirstFirst 12345678 ... LastLast
Hacienda Luisita - what's your take on this