New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 10 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Results 21 to 30 of 93
  1. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    499
    #21
    malabo tayong maging NIC kung wala talagang genuine agrarian reform na ipapatupad. year 2004 na pero mga hacienderos and encomienderos pa rin naghahari dito. pano magkakaron ng buying power yung mga farmers?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #22
    Regarding wages, nobody pointed a gun at them to take the job, kung nabababaan ka sa sahod, wag mong pirmahin yung job offer, kahit naman tayo ganyan eh, kung offeran mo akong trabaho na mababasweldo tapos tinanggap ko, anong karapatan ko magreklamo na mababa sweldo???

  3. FrankDrebin Guest
    #23
    Professional kasi tayo theveed kaya ok lang na tanggihan natin. Sila kasi Labor lang. Ok lang humingi ng increase pero huwag namang nung hinihingi nila di ba?

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #24
    oo nga sobra sobra naman...

    although sir theveed tayo po kasi may choice kahit papanu na tumanggi, eh sila po pagtumanggi wala nang kakainin sa pang araw araw... at siguro baka simula pa nung sinaunang panahon eh yan lang talaga ang trabaho ng mga ninuno niya at yan na rin nakasanayan kaya pinaglalaban nalang.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,253
    #25
    the minimum wage here in tarlac for industrial workers is P217.50 per day, gross. hindi ko alam ang minimum wage ng agricultural workers.

    there are 2 labor unions in luisita, one for the sugar mill workers and the other one is for the sugar cane plantation. ang nag strike is the sugar mill workers. less than 1000 ang workers dun, and less than half lang ang pumayag mag strike, pero bakit umabot daw ng 3000 ang nag picket?

    kawawa dito yung mga magsasaka ng sugar cane. hindi makapasok mga truck nila carrying sugar cane, natuyo na nga mga sugar cane sa mga trucks. yung mga may connection sa pampanga, or yung madaming delivery trucks, pwede nila deliver dun yung mga sugar cane nila (there's a sugar mill in san fernando, pampanga). pero yung mga mahihirap or nag uupa lang ng truck, lugi na.
    Signature

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #26
    sabi nga sa isang newspaper kahapon... hindi daw kaya iaccomodate ng ibang sugar mills ang dami ng sugar na kaya ng hacienda luisita..

    its either 5,000 KG or 5,000 tons a day? masyado ata malaki ang 5,000 tons?

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #27
    Gets ko si theveed,

    ibig niya yata sabihin eh...parang mga pulis dito sa atin..bago sila pumasok sa pagka-pulis...eh alam naman nila na mababa ang sweldo nila...Tapos ngayon..kinakatuwiran nila na kaya sila nangungurakot dahil mababa ang sweldo nila...

    ganun din ang mga trabahador.pumasok sila na alam din na mababa ang sweldo...pag nakitang kumikita ang company..welga na agad at humihingi na ng increase..

    sa ibang bansa kasi,(15yrs ako sa abroad) kung pakiramdam mo na di sapat yung binibigay ng company sayo..kusang nag-reresign na lang.

    Malupit nga sa Taiwan eh...Mga pinoy dun..nagwe-welga!!!! mga Taiwanese nga eh..(sariling bansa na nga nila) di sila nagwe-welga. Ayun, pina-uwi lahat nung nag-welga..(di rin sila binayaran)...Nasulsol ng mga dating kasapi ng union dito sa Pinas na napunta sa Taiwan..

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    3,042
    #28
    sir hens just like what lucio tan did sa PAL tsaka yung LRT before sa mga workers.. sinara nalang

    kung pwede lang isara nalang ang hacienda luisita at nang wala nang gulo hehe kawawa naman nga ang farmers

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #29
    theveed and hens:

    It's not that they had a choice to begin with. Karamihan sa kanila walang natapos. Ni hindi nga yata nakatuntong ng eskwelahan yung iba. In other cases, namana lang nila sa magulang nila yung trabaho. O kaya pambayad sa utang ng mga magulang. In any case, yun na lang siguro yung nakagisnan nilang hanapbuhay.

    Kaya hindi ganun kadaling umalma kapag nakita nilang mababa ang sahod. Kadalasan kasi, alam nilang wala na silang mapupuntahang iba, it's either work or starve. Nagtiyatiyaga sila sa ganung sahod kasi it's better than nothing. Let's not judge them according to our standards of living. Iba ang kalagayan nating mga taga-siyudad kaysa sa kanilang taga-lalawigan.

    Pero mali din naman yung ginawang sulsol sa kanila. Wala na ba silang alam na solusyon kundi puro welga? Hindi na effective eh. Nandadamay pa sila ng mga taong walang kamalay-malay, na gusto lang naman e magtrabaho para may makain.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #30
    BOgeyman: with all due respect, lahat ng tao may free will to have a choice, otherwise, sana communist country nalang ito... It's a downward spiral for laborers to think and justify their cause just because "wala na akong mapapasukan"...

    Di lang Phil ang mahirap, but the mentality of Fil laborers are absurd, even consumers dont understand the point of having a business is to make profit first and foremost otherwise, whatever plans (good or bad for the community) you have will not work if you don't make money.

    It's either work or starve you say... True, but what I find laborers (I'm generalizing of course) in this country is that once they get "comfortable" with their work, they forget how they got the job in the first place.

    Like tauhan namin sa shop namin, sa mga regulars we pay them almost double of what they're earning before doing roughly the same job. But during their probationary period they don't get the "regular pay" and they don't work full time. Like what happened to one detailer, umoo sya with the starting rate, then after a month sabi nya di daw nya kaya yung starting rate, he's asking if pwede na syang i-regular. Of course we can't to be fair to everyone who went through the 3month screening process. So nagresign sya.

    Daling logic... Ayaw mo, quit ka, maghanap kang iba.

    Hindi rason ang being professional or laborer... Mas mahirap panga kung professional ka dahil mataas standard ng screening and madami ka kalaban, for laborers basta may konting work capacity ka may trabaho ka na.

    Mga factory ng dad ko dati ganun, he pays the sewing staff pretty well, much better than most garment exporters, but ganun din, pag lugi ang company and naghihingalo (partly due to the laborer's inferior work causing losses due to quality rejection of clients), and the company has to retrench, WELGA NANAMAN!

    Ang tawag dyan abuso sa demokrasya.

    Nung nasa US ako I worked 2 years getting paid 5.50 an hour... Nung sinabihan ako ng boss ko na walang budget yung dept right now (3 months) to hire extra help, alis ako. After 5 months or so nung ok na ulit budget hinire ako ulit. Walang samaan ng loob or whatever. That's how businesses work. Playing the numbers game.

    Laborers in this country don't understand that. Isip lang nila "KUMPANYA KUMIKITA TAYO GANITO PADIN SWELDO!"

    Kung papayag ang company na itaas ang sweldo ng mga deserving workers, syempre magtatanggal ng workers na di ok ang performance...

    ILLEGAL DISMISSAL naman iwewelga!

    Daming che-che-bureche... Nung sinara ang subsidiary office ng Microsoft, 80+ kami naretrench. Professionals lahat ang natanggal... Madami nahirapan maghanap ng work offering the same pay...

    Just because mas mataas ang sahod ng "professionals" doesn't mean we don't work for the same reason, feed the family.

    Walang taong walang choice... Bawasan ang pagtatambay, inom, yosi, pagbili ng dyaryo, pagsakay sa tricycle, etc etc etc. Daming lugar na pwedeng pagtipiran...

    Mga "api" dito may cellphone, imbes na maglakad ng 1km magtritricycle, imbes na magpublic phone bibili ng cellphone.

    Ika nga, if there's a will there's a way... Most "poor" people here are just too lazy to rely on themselves and expect things to be offered to them by the government, by the rich or by God.

    Imbes na nagwewelga ka ng 3 bwan, bat di ka nalang maghanap ng trabaho sa iba?

    Habol nila hindi katarungan kung di paghihiganti at matutuwa sila kung bumagsak yung kumpanya dahil sa welga nila... shz.

Page 3 of 10 FirstFirst 1234567 ... LastLast
Hacienda Luisita - what's your take on this